2014
Pagsunod kay Jesus
Hunyo 2014


Pagsunod kay Jesus

Maging Matulungin

Ang Itinuro ni Jesus

Isang araw itinuro ni Jesus ang dapat nating gawin kapag may humihingi ng tulong sa atin. Sinabi niya na dapat nating gawin o ibigay ang higit pa sa hinihingi niya sa atin. Alamin kung bakit ito tinatawag na “[paglakad] ng dalawang milya” sa pamamagitan ng pagbasa sa sinabi ni Jesus sa Mateo 5:40–42.

Pagsunod kay Jesus Ngayon

Isang gabi sinimulan naming magkakapatid na linisin ang buong bahay. Maya-maya ay dumating si Itay at sinabihan kami na oras na para matulog. Paggising ko kinaumagahan sinabi sa akin ni Inay na, “Salamat sa paglilinis ninyo ng bahay.”

Elizabeth C., edad 8, Alberta, Canada

Gusto kong tumulong sa mga tao. Kapag sumasali si Inay sa isang paglilingkod, gusto kong sumama sa kanya at tumulong.

“Helping Hands,” Luis N., edad 6, Chihuahua, Mexico

Ang Hamon sa Buwang Ito

Humanap ng mga paraan para matulungan ang inyong guro sa Primary sa oras ng klase.

Tulungan ang isang kapatid sa homework o sa gawaing-bahay.

Sorpresahin ang inyong magulang sa pamamagitan ng kusang paglilinis ng isang silid.

Hinahamon ko ang aking sarili na…

PAGLALARAWAN NINA Paul Mann AT Bryan Beach

Print