2014
Masisiyahan Ba Ako sa Indexing?
Hunyo 2014


Masisiyahan Ba Ako sa Indexing?

Ang awtor ay naninirahan sa Veracruz, Mexico.

Nakibahagi ako sa mithiin ng aming stake na mag-index ng 50,000 pangalan. Mahirap sa una. May ilang pagkakataon na mahirap basahin ang sulat sa batch na na-download ko, at kung minsan ay gusto kong isauli ito at mag-download ng iba. Ngunit natanto ko na kung gayon ang iisipin ng lahat, mapag-iiwanan ang mga batch na iyon. Nakikinita ko ang maraming linya ng mga taong naghihintay sa daigdig ng mga espiritu, at nagpasiya ako na basahin pang mabuti at isulat ang mga pangalang iyon nang walang mali.

Natutuhan kong mahalin ang mga taong iyon. Naunawaan ko na talagang kailangan nila ng tulong, at kailangan din natin ng tulong nila. Mas naunawaan ko na lahat ay isinasaalang-alang sa perpektong plano ng Ama sa Langit. Kapag sinusunod natin ang inspirasyon at mga tagubilin ng Kanyang hinirang na mga pinuno, masasaksihan natin ang Kanyang awa at walang-katapusang pagmamahal.

Ang indexing ay napakagandang karanasan para sa akin. Natutuhan kong pahalagahan at mahalin ang maraming bagay tungkol sa family history. Tumanggap din ako ng mahahalagang kaloob mula sa ating Panginoon nang sundin ko ang isang bagay na kasing-simple ng pagsali sa indexing.

Print