2014
Ang Magandang Ideya ni Will
Hunyo 2014


Para sa Maliliit na Bata

Ang Magandang Ideya ni Will

Ang awtor ay naninirahan sa Pennsylvania, USA.

Gusto ni Will ng larawan ng templo. Gusto niyang ilagay ito sa kanyang silid. Narinig niya ang sinabi ng propeta na magandang mayroon ng isa nito ang lahat.

“Inay, ikinuha na po ba ninyo ako ng larawan ng templo?” tanong ni Will.

“Hindi pa,” sabi ni Inay. Abala siya sa pag-aalaga ng bagong silang na sanggol.

“OK,” sabi ni Will.

Mahal ni Will ang templo. Alam niyang espesyal na lugar ito kung saan ibinubuklod ang mga pamilya.

Medyo nalungkot si Will. Maraming ginagawa si Inay. Paano siya makakakuha ng larawan ng templo?

At may naisip na magandang ideya si Will. Hindi na niya kailangang hintayin si Inay!

Kaagad hinanap ni Will ang kanyang mga krayola at ilang papel. Umupo siya sa kanyang mesa at nagsimulang magdrowing.

Makalipas ang ilang sandali, binitiwan na ni Will ang kanyang mga krayola. Tumakbo siya papuntang kusina at ipinakita ang drowing niya kay Inay.

“Napakaganda namang larawan ng templo iyan,” sabi ni Inay.

“Isabit po natin sa silid ko,” sabi ni William.

“Magandang ideya iyan!” sabi ni Inay.

Paglalarawan ni Thomas S. Child