2014
Mga Ikapu at mga Handog
Hunyo 2014


Pagtuturo ng Para sa Lakas ng mga Kabataan

Mga Ikapu at mga Handog

Sa pagbabayad ng mga ikapu at mga handog, matututuhan ng mga bata na tumutupad ang Panginoon sa Kanyang mga pangako.

Sa isang artikulo sa mga pahina 60–61 ng isyung ito, ikinuwento ni Elder Anthony D. Perkins ng Pitumpu kung paanong ang pagbabayad ng ikapu bago gastusin ang kanyang kita noong kanyang kabataan ay nagturo sa kanya na matukoy ang kaibhan ng gusto sa pangangailangan.

Sinabi ni Elder Perkins na nang sundin niya ang kautusang ito, “mas tumibay ang aking pananampalataya gayundin ang aking hangaring sundin ang iba pang mga utos [ng Panginoon].” Sinunod niya ang isang alituntuning itinuro sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: “Mahalaga ang iyong saloobin sa pagbabayad ng ikapu. … Bayaran ito nang may pagkukusa at mapagpasalamat na puso” ([2011], 38).

Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Kabataan

  • Ang mga kabataan ay madalas matuto mula sa mga halimbawa ng iba. Tingnan sa “Ang mga Pagpapala ng Ikapu” (Liahona, Mar. 2013, 26) para mabasa ang tungkol sa limang tao na pinagpala dahil nagbayad sila ng ikapu. Pag-usapan kung paano napagpala ng ikapu ang inyong pamilya. Maaari din ninyong pag-usapan kung paano pinagpapala ng mga ikapu at mga handog ang lahat ng miyembro ng Simbahan.

  • Isiping basahin nang sama-sama ang bahagi tungkol sa mga ikapu at mga handog sa Para sa Lakas ng mga Kabataan (mga pahina 38–39). Maaari ninyong talakayin kung paano nagkakaugnay ang pag-aayuno at mga handog-ayuno at paano nagbabayad ng mga handog-ayuno ang inyong pamilya.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo sa mga Bata

  • Isiping gamitin ang sumusunod na pagtatanghal: Maglagay ng 10 barya sa mesa. Tanungin ang mga kapamilya kung ano ang madarama nila kung sabihin ninyo na ibibigay ninyo sa kanila ang siyam na barya at itatabi ninyo ang isa para tumulong sa pagtatayo ng kaharian ng Panginoon. Handa ba silang tanggapin ang gayong alok? Pagkatapos ay maipapaliwanag na ninyo ang pagkakatulad ng sitwasyong ito sa batas ng ikapu.

  • Maaari ninyong gamitin ang bahaging “Para sa Maliliit na Bata” sa Liahona ng Agosto 2011 (mga pahina 70–72), na kinabibilangan ng tunay na pangyayari sa buhay kung saan nalaman ng isang batang lalaki na ang pagbabayad ng ikapu ay isang mabuting pasiya—kahit isang sentimo lang ang kanyang kontribusyon. Maaari din ninyong kumpletuhin ang kaugnay na mga aktibidad kasama ang inyong mga anak.

Paglalarawan ni Taia Morley