2014
Ang Ating Pahina
Hunyo 2014


Ang Ating Pahina

Merari C., edad 11, El Salvador

Mga Missionary, ni Maria Clara A., edad 9, Brazil

Sina Paulo at Carlo D., edad 10, na mula sa Pilipinas, ay kambal. Gusto na nilang sumapit sa edad na matatanggap na nila ang priesthood at makapagpapasa ng sakramento. Gustung-gusto nilang magturo sa iba tungkol sa ebanghelyo, at naghahanda na silang magmisyon. Nagkukuwento si Carlo sa lahat ng kakilala niya tungkol sa buhay na propeta, at gusto ni Paulo na dalhin ang kanyang Aklat ni Mormon sa eskuwela at basahin ito sa kanyang mga kaibigan. Alam nila na mahalagang basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw at magsimba tuwing Linggo. Sina Carlo at Paulo ay bihasang magsalita ng dalawang wika—Tagalog at Ilokano—at pinag-aaralan din nila ang wikang Ingles sa eskuwela. Gustung-gusto nilang maglaro ng basketball kasama ang kanilang mga kaibigan.

Isang araw sa eskuwela hinamon ako ng mga kaibigan ko na isigaw ang isang masamang salita sa silid na walang tao. Nang hindi ako pumayag, tinukso nila ako at pinagtawanan. Pagkatapos ay pumayag ako, at sinabi ko ang salita nang mahina at mabilis. Pagkatapos ay sising-sisi ako sa ginawa ko. Nang gabing iyon nagdasal ako nang taimtim at nagsisi sa pagbigkas ng masamang salita. Alam ko na lagi akong makapagdarasal sa Ama sa Langit para malaman kung ano ang tama, at kung may mali, magsasabi ako ng hindi, kahit ipagawa ito sa akin ng mga kaibigan ko. Nagpapasalamat ako na maaari akong magsisi!

Paola L., edad 10, Mexico

Pagsisikap na Tularan si Jesus

Sa eskuwela namin naghahanda na kami simula pa lang ng taon para sa napakasayang aktibidad na tinatawag na Festidanza. Tulad ng ginagawa taun-taon, idaraos ito sa araw ng Sabado. Pagkatapos isang araw ibinalita ng direktor namin na idaraos na lang ito sa araw ng Linggo. Sinabi ko sa nanay ko na magsisimba kami tuwing Linggo, at masaya akong igalang ang araw ng Sabbath.

Isaías R., edad 6, Peru

Ang pinakamagandang karanasan ko sa buhay ay nang araw na binyagan ako. Sinabi sa akin ng nanay ko na kapag nabinyagan na ako, ako na ang mananagot sa lahat ng ikikilos ko. Sumapit na ang araw at pareho kaming nakasuot ng puting damit ni Itay. Kinakabahan ako, pero nang hawakan ko ang kamay ni Itay papunta sa bautismuhan, alam ko na magiging maayos ang lahat. Nang bigkasin ni Itay ang panalangin para sa binyag at inilubog ako sa tubig, magaganda ang naramdaman ko na mahirap ipaliwanag. Pagkatapos ay nakumpirma ako at binigyan ng kaloob na Espiritu Santo. Masaya ako na nabinyagan ako. Tulad ni Jesucristo na nagpakita ng halimbawa sa akin, nagpapakita rin ako ng mabuting halimbawa sa aking nakababatang kapatid. Alam ko na si Jesucristo ay buhay at mahal Niya tayo.

Richard H., edad 8, Guatemala

Agustina B., edad 10, Argentina

Marianella B., edad 7, Argentina

Gusto ko ang bahaging para sa mga bata sa Liahona dahil nakakatulong sa akin ang mga kuwento para malaman ang tungkol sa Ama sa Langit. Lagi kong hinihiling kay Inay na basahan ako ng mga kuwento. Mahilig ako sa mga puzzle, maze, painting, at pagkukuwento. Gusto kong marami pa akong bagong bagay na matutuhan sa Primary. Alam ko na mahal ako ng Ama sa Langit, at mahal din Niya kayo. Sinisikap ko na palagi Siyang alalahanin at piliin ang tama.

Jocelyn C., edad 4, Nicaragua

Bata pa lang ako ay gusto ko nang matanggap ang Aaronic Priesthood. Kapag may priesthood na ako, makapagpapasa na ako ng sakramento, at mabubuksan na sa akin ang mga pintuan ng templo. Napakagandang pribilehiyo ang mapabilang sa ipinanumbalik na Simbahang ito, at alam ko na totoo ang ebanghelyo. Malapit na akong umalis sa Primary, kung saan marami akong natutuhan, at makasama na sa grupo ng mga kabataan sa Young Men.

Santiago P., edad 11, Ecuador

Si Santiago at ang kanyang kapatid na si Jairo

“At isang katauhan ang lumitaw sa harapan ko, na nakasuot ng isang bata na ang kaputian ay higit kaysa anumang bagay na nakita ko na. Ang kanyang pangalan ay Moroni.” (Tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:30–33.)

Erick H., edad 9, Mexico