Mga Ideya para sa Family Home Evening
Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.
“Kapangyarihan ng Priesthood—Para sa Lahat,” pahina 18: Bago mag-family home evening, basahin ang apat na tanong ni Sister Burton sa artikulong ito. Magdala ng munting ilaw sa family home evening (tiyaking naka-unplug ito). Pasubukan sa iba’t ibang miyembro ng pamilya na sindihan ito. Ihalintulad sa kapangyarihan ng priesthood ang kuryenteng kailangan para sumindi ang ilaw. I-plug at sindihan ang ilaw at talakayin kung paano tayong lahat makikinabang mula sa liwanag ng ilaw, o sa kapangyarihan ng priesthood. Magpaisip sa mga miyembro ng pamilya ng mga paraan na napagpala sila ng priesthood. Maaari ninyong simulang isaulo ang mga talata sa Doktrina at mga Tipan 84 na ipinasasaulo sa atin ni Sister Burton.
“Ang Magandang Ideya ni Will,” pahina 78: Maaari kayong magsimula sa pagkanta ng “Templo’y Ibig Makita” (Aklat ng mga Awit Pambata, 99) o iba pang awit tungkol sa mga templo. Basahin ang artikulong ito bilang pamilya at talakayin kung bakit mahalaga ang mga templo. Magpadrowing sa bawat miyembro ng pamilya ng larawan ng templo, marahil ay iyong pinakamalapit sa inyong tirahan. Isiping isabit ang mga drowing at larawang nasa pahina 79 sa inyong tahanan kung saan makikita ang mga ito araw-araw. Pag-usapan kung paano maipapaalala sa atin ng nakikita nating larawan ng templo ang paggawa ng mga desisyon na magpapanatili sa atin na karapat-dapat na pumasok sa templo.
Sa Inyong Wika
Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.