Dalhin sa Tahanan ang Turo sa Primary
Ang mga Ordenansa ng Priesthood at Gawain sa Templo ay Nagpapala sa Aking Pamilya
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Alamin ang iba pa tungkol sa tema ng Primary sa buwang ito!
Tumakbo si Karl papunta sa daungan ng bangka, na sabik na makita ang tatay niya. Ang ama ni Karl ay isang mangingisda, at madalas tumakbo si Karl papunta sa bangka para salubungin siya pagkatapos ng maghapon.
“Bilis, Papa!” pagtawag ni Karl. “Gusto kong ipakita sa inyo ang idinrowing ko para sa inyo ngayon!”
“Magaling!” sabi ni Papa. “Pero kailangan ko munang itali ang bangka.”
Pinagmasdan ni Karl si Papa habang mahigpit nitong itinatali ang makapal na lubid ng bangka sa daungan. “Bakit po ninyo kailangang higpitang mabuti ang tali?” tanong ni Karl habang ibinubuhol ni Papa ang tali.
Itinuro ni Papa ang isang bangka sa pampang na may malaking butas sa ilalim. “Hindi naitaling mabuti ang bangkang iyan. Noong nakaraang bagyo, nakalag ito sa pagkatali at sumalpok sa mga bato.”
Nanlaki ang mga mata ni Karl.
“Naiisip mo ba kung paano tayo tinutulungan ng Ama sa Langit na manatiling nakakapit sa Kanya para maging ligtas tayo?” tanong ni Papa.
“Ang mga banal na kasulatan?” paghula ni Karl.
“Tama,” sabi ni Papa. “Ibinibigay rin niya sa atin ang mga ordenansa ng priesthood gaya ng binyag at ng sakramento. Ikinasal kami ng Mama mo sa templo para sama-samang mabigkis ang pamilya natin magpakailanman.”
Hinatak ni Karl ang lubid at tinulungan si Papa sa huling pagbuhol dito. “Gawin nating pinakamahigpit ito sa lahat!”