2014
Alamin ang Inyong mga Kuwento
Hunyo 2014


Mga Bata

Alamin ang Inyong mga Kuwento

Ang inyong mga magulang at lolo’t lola ay maraming pakikipagsapalaran—ang ilan ay ni hindi ninyo alam! Ang ilan sa kanilang mga kuwento ay magpapatawa sa inyo, at matutulungan kayo nitong magkaroon ng pananampalataya sa Ama sa Langit. Pero kahit matatanda ay nahihiya rin kung minsan. Gamitin ang mga tanong na ito para tulungan silang maalala ang ilan sa mga paborito nilang kuwento at isulat o idrowing ang kanilang mga sagot.

Ikuwento po ninyo sa akin ang tatlong pinakamasasaya ninyong alaala.

Ano po ang pinaka-nakahihiyang sandali sa inyong buhay?

Ikuwento po ninyo sa akin ang araw na isinilang ako.

Ano po ang gusto ninyong gawin noong bata pa kayo?

Paano po kayo nagkaroon ng patotoo sa ebanghelyo?

Print