Pangako ng Propeta
Pag-asa
“Iminumungkahi ko na tingnan ninyo kapwa ang panandalian at ang pangmatagalang epekto sa pagsisikap ninyong magpamana ng pag-asa sa inyong pamilya. … May mga bagay kayong magagawa nang maaga, habang bata pa ang mga mahal ninyo sa buhay. Tandaan na ang araw-araw na panalangin ng pamilya, pag-aaral ng banal na kasulatan, at pagbabahagi ng ating patotoo sa sacrament meeting ay mas madali at mas mabisa habang bata pa ang ating mga anak. … Matapos ang lahat ng magagawa natin nang may pananampalataya, bibigyang-katwiran ng Panginoon ang ating mga pag-asa sa mas dakilang mga pagpapala para sa ating mga pamilya kaysa inaakala natin.”
Pangulong Henry B. Eyring, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Isang Walang-Katumbas na Pamana ng Pag-asa,” Liahona, Mayo 2014, 25.