Bisitahin ang news.lds.org para sa iba pang mga balita at kaganapan sa Simbahan.
Ibinalita ng Unang Panguluhan ang mga pagbabago sa mga tungkulin ng mga pamunuan sa area, simula Agosto 1, 2014. Lahat ng miyembro ng mga Area Presidency ay mga miyembro ng Una o Pangalawang Korum ng Pitumpu.
Ang Pitumpu ay tinatawag sa pamamagitan ng paghahayag, sa ilalim ng pamamahala ng Unang Panguluhan, upang tulungan ang Korum ng Labindalawang Apostol sa kanilang paglilingkod sa iba’t ibang dako ng mundo.
“Ang kasaysayan ng mga Pitumpu ay talagang nagsimula sa panahon ng Lumang Tipan,” sabi ni Pangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol.1 Ang unang pagbanggit sa Pitumpu ay matatagpuan sa Exodo 24:1, at tinukoy kalaunan sa Mga Bilang 11:16–17, 25, nang tipunin sila para tulungan si Moises.
Noong mortal na ministeryo ni Cristo, tinawag Niya ang Pitumpu, pinagbilinan sila sa paraang katulad ng pagbibilin Niya sa Labindalawang Apostol, at isinugo sila mula sa kanyang harapan, na ipinaliliwanag na yaong mga nakarinig sa kanilang tinig ay maririnig ang Kanyang tinig (tingnan sa Mateo 10:1, 16–17; Lucas 10).
“Naniniwala kami sa samahan ding yaon na umiral sa sinaunang Simbahan,” sabi ni Pangulong Packer. “At kabilang dito ang mga Pitumpu.” (Tingnan sa Mga Saligan ng Pananampalataya 1:6.) Sa Simbahan ngayon na mabilis na lumalago, mahalaga ang tungkulin ng Pitumpu sa pagtulong sa Labindalawa. “Magagawa ng mga Pitumpu ang anumang iutos ng Labindalawa na gawin nila,” sabi ni Pangulong Packer.2