2014
Isang Leon na Parang Tupa
Agosto 2014


Isang Leon na Parang Tupa

Larawan
Official portrait of Elder Kazuhiko Yamashita of the First Quorum of the Seventy, 2011. Formerly serving as an Area Seventy. Sustained to the First Quorum at April 2011 general conference.

“Ako ay anak ng Diyos, dito’y isinilang” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2).

Larawan
A Sheepish Lion

Isa sa paborito kong mga kuwento ang kuwento tungkol kay Lambert, ang Leon na Parang Tupa. Naging sikat na cartoon ito ilang taon na ang nakararaan.

Si Lambert ay isang batang leon na namuhay sa piling ng isang kawan ng mga tupa mula nang siya’y isilang. Dahil diyan, inakala niya na siya ay isang tupa. Isang gabi ng tagsibol payapang natutulog si Lambert at ang mga tupa. Biglang narinig ni Lambert ang nakakatakot na alulong ng isang lobo sa di-kalayuan. Dahil akala ni Lambert ay tupa siya, nagsimula siyang manginig.

Palakas nang palakas ang alulong, at nakalapit ang lobo at sinimulan nitong hatakin palayo ang isa sa mga tupa. Biglang nakadama si Lambert ng lakas na noon lang niya nadama. Parang kidlat na tumakbo siya papunta sa lobo para iligtas ang tupa!

Noon natanto ni Lambert ang isang bagay. “Hindi ako isang tupa. Hindi ako anak ng isang tupa. Anak ako ng isang leon!” naisip ni Lambert. Nang maitaboy niya ang lobo at maprotektahan ang mga tupa, nalaman niya ang kanyang likas na katangian.

Ikaw ay anak ng Diyos, at mahal ka Niya. Bago tayo isinilang sa mundo, bawat isa sa atin ay minamahal na espiritung anak na lalaki o babae sa mag-anak ng ating Ama sa Langit. Ngunit marami sa atin ang hindi nakakaalam nito. Kung alam natin kung sino tayo, maaari tayong maging katulad ng leon at malalabanan natin ang masasamang bagay para maprotektahan ang iba at hindi tayo maliligaw ng landas.

Nagpapasalamat ako sa magagandang kaloob ng ebanghelyo at sa plano ng kaligtasan. Nagpapasalamat ako na alam natin kung sino tayo para maging malakas tayo—tulad ni Lambert.

Print