2014
Unahin ang mga Batas ng Diyos
Agosto 2014


Mga Tampok sa Doktrina

Unahin ang mga Batas ng Diyos

Family walking in a field.

“Ang literal na kahulugan ng salitang relihiyon ay … ‘ibigkis na muli’ sa Diyos. Maaari nating itanong sa ating sarili, matibay kaya tayong nakabigkis sa Diyos sa paraan na nakikita ang ating pananampalataya, o nakatali pala tayo sa ibang bagay? … Marami ang inuuna ang ibang bagay kaysa sa Diyos. … Mga batas ng Diyos dapat ang lagi nating pamantayan. Kapag naharap tayo sa mahihirap na problema, dapat muna nating hangarin ang patnubay ng Diyos. …

“Ang tuksong maging popular ay maaaring humantong sa higit na pakikinig sa opinyon ng tao kaysa sa salita ng Diyos. … Kahit ‘ginagawa pa iyan ng lahat,’ ang mali ay hindi kailanman nagiging tama. … Dalangin ko na maging matibay kayo na nakabigkis sa Diyos, upang maukit ang Kanyang walang-hanggang mga katotohanan sa inyong puso magpakailanman.”

Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Ipakita ang Inyong Pananampalataya,” Liahona, Mayo 2014, 29, 30, 31.