2014
Ako si Kaloni na Mula sa Tonga
Agosto 2014


Mga Kaibigan sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Ako si Kaloni na Mula sa Tonga

Mālō e lelei!*

Kaloni from Tonga

Kilalanin si Kaloni na nagmula sa Kaharian ng Tonga. Ang kanyang mga isla o pulo ay kilala bilang Friendly Islands.

Nakapagpiknik na ba sa labas ang pamilya ninyo sa Araw ng Pasko? Gustung-gusto ng pamilya ni Kaloni na magpiknik sa dalampasigan sa Kapaskuhan. Dahil tag-init kapag Disyembre sa katimugang hemisphere, hindi problema ang magpiknik sa araw ng Pasko! Gusto ng sampung-taong-gulang na si Kaloni ang gumugol ng maraming nakakatuwang pista-opisyal kasama ang kanyang mga tita, tito, at pinsan.

Natutuwa akong magpunta sa dalampasigan kasama ang pamilya ko at maglaro sa buhanginan at sa dagat.

Mahilig akong sumayaw, maglaro ng isports, at magpinta. Tumulong ako sa paggawa ng mural tungkol sa plano ng kaligtasan para sa gusali ng seminary.

Sa mga karaniwang araw isinusuot ko ang uniporme ko sa paaralan. Pagkatapos ay sama-sama kaming naglalakad ng pamilya ko papasok sa paaralan. Ang tatay ko ay nagtuturo sa high school, at ang nanay ko ay guro sa seminary. Ang pangalan ng ate ko ay Dorothy at ang kuya ko ay Nelson.

Nagpasiya ang nanay at tita ko na magsimula ng proyekto ng pamilya upang kumita ng pera para sa pagmimisyon naming lahat na magpipinsan balang-araw. Gumagawa kami ng chicken kabobs at ’otai at ibinibenta ang mga ito sa palengke tuwing Sabado.

Gusto kong mag-aral sa kolehiyo at maging guro sa seminary tulad ng nanay ko. Gusto ko ring magmisyon at makasal sa templo. Pero sa ngayon, mamumuhay muna ako sa isang maganda at paraisong pulo.

  • “Hello, mga kaibigan!” sa wikang Tongan.