2015
Ang Buhay na Propeta
Abril 2015


“Ang buhay na propeta ay mas mahalaga sa atin kaysa sa isang pumanaw na propeta. …

“… Ang paghahayag ng Diyos kay Adan ay hindi nagturo kay Noe kung paano gawin ang arka. Kinailangan ni Noe na makatanggap ng sariling paghahayag. Samakatwid, ang pinakamahalagang propeta, para sa atin, ay ang nabubuhay sa ating panahon na siyang kasalukuyang pinaghahayagan ng kalooban ng Panginoon para sa atin. Dahil dito, ang pinakamahalagang basahin natin ay ang alinman sa mga salita ng propeta … na nasa mga magasin ng Simbahan bawat buwan. Ang mga tagubiling ibinibigay sa atin kada anim na buwan ay matatagpuan sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, na nakalathala sa magasing [Liahona]. …”

“Mag-ingat sa mga gumagamit ng mga salita ng mga pumanaw na propeta laban sa mga buhay na propeta, sapagkat ang mga buhay na propeta ang laging nangunguna.”

Mula kay Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994), “Fourteen Fundamentals in Following the Prophet” (Brigham Young University devotional, Peb. 26, 1980), 2, speeches.byu.edu.