OK lang bang dumalo sa mga sayawan o mga party na alam kong may mangyayaring masasamang bagay, para maging mabuting halimbawa?
Itanong sa sarili mo: “Ano ba talaga sa palagay ko ang uri ng halimbawang ipakikita ko sa gayong sitwasyon?” Kung balak mong pumunta sa isang lugar na maaaring mayroong droga o alak, mahalay na kasuotan, musikang may mahahalay na salita, o mahalay na pagsasayaw, paano mo ipapakita sa mga tao kung gaano sila masisiyahan nang wala ang mga bagay na iyon? Ano kaya ang iisipin ng mga tao sa paligid mo—“Hindi ba napakagandang halimbawa iyan ng pananampalataya at mabubuting pamantayan?” o “Bakit pa ba siya nagpunta rito?” Sa halos lahat ng sitwasyon, magiging mas mabuti kang halimbawa kung hindi ka pupunta roon, dahil hindi mo kusa at hayagang ilalantad ang sarili mo sa tukso.