Noong 1915, pinayuhan tayo ng mga propeta sa mga huling araw na maglaan ng isang gabi bawat linggo para sa ating pamilya. Tinawag itong “home evening” noong una—isang panahon para pag-aralan ang ebanghelyo at magkatuwaan, habang pinatatatag ang ating ugnayan sa lupa at sa kawalang-hanggan.
Isang daang taon pagkaraan, patuloy pa rin tayong tinutulungan ng family home evening na maging walang hanggan ang mga pamilya. Nangako ang mga propeta na sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng mas matibay na pananampalataya at espirituwal na lakas sa ating puso, at higit na proteksyon, pagkakaisa, at kapayapaan ang mananahan sa ating mga tahanan.
Tayong lahat ay kabilang sa isang pamilya sa lupa at bahagi ng pamilya ng ating Ama sa Langit. Saanman tayo naroon sa mundo at anuman ang ating sitwasyon sa buhay, maaari tayong magdiwang at makibahagi sa family home evening.