2015
Pagningasin ang Iyong Sulo: 30-Araw na Pagsubok
Oktubre 2015


Mga Kabataan

Pagningasin ang Iyong Sulo: 30-Araw na Pagsubok

Para sa mga kabataan sa Simbahan na abala sa buhay, madaling mapirmi sa nakagawiang mga bagay, lalo na sa mga espirituwal na bagay. Nagbabasa tayo ng ating mga banal na kasulatan, nagdarasal, at halos araw-araw na sumasamba sa iisang paraan at pagkatapos ay nagtataka tayo kung bakit tila hindi nadaragdagan ang ating espirituwalidad.

Ang isa sa pinakamagagandang paraan para mapanatiling nagniningas ang iyong espirituwal na sulo ay ang tiyakin na ikaw ay may makabuluhang mga espirituwal na karanasan. Madaling sabihin iyan pero mahirap gawin, kaya narito ang isang mungkahi para patuloy mong maragdagan ang iyong espirituwalidad: Umisip ng isang aktibidad na may kaugnayan sa ebanghelyo na hindi mo pa nagagawa kahit kailan (o hindi mo gaanong ginagawa) at mangakong gawin ito araw-araw sa loob ng isang buwan. Makapagsisimula ka sa maliit dahil makikita mo na mas madaling gawing pangmatagalan ang maliliit na pagbabago. Ang paggawa ng mga bagay na hindi natin nakasanayang gawin ay maaaring mangailangan ng mas malaking pananampalataya at pagsisikap, ngunit kapag ginawa natin ito, inaanyayahan natin ang patnubay ng Espiritu Santo, at nagpapakita tayo ng higit na pananampalataya sa Ama sa Langit at ng hangaring mapalapit sa Kanya. Narito ang ilang ideya para makapagsimula ka: