2015
Ang mga Kalabasa ni Paul
Oktubre 2015


Para sa Maliliit na Bata

Ang mga Kalabasa ni Paul

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Product Shot from October 2015 Liahona
Product Shot from October 2015 Liahona
Product Shot from October 2015 Liahona

Tinutulungan ni Paul si Itay na magtanim. Gusto sana niyang naroon ang kanyang kuya Eric para tumulong. Pero malayo si Eric at nasa misyon.

“Hindi ako magiging kasinglaki ni kuya Eric,” sabi ni Paul. “Paano ako magmimisyon na katulad niya?”

“Huwag kang mag-alala,” sabi ni Itay. “Lalaki ka.”

Inabutan ni Itay si Paul ng ilang binhi ng kalabasa. Tinulungan niya si Paul na itanim ang mga ito.

“Magiging malalaking kalabasa po ba ang maliliit na binhing ito?” tanong ni Paul.

“Kung aalagaan mong mabuti,” sabi ni Itay.

Lumabas si Paul araw-araw para tingnan ang halamanan. Diniligan niya ito, at di-nagtagal ay lumabas na ang mga usbong. Lumaki ang mga dahon. Maingat na binunot ni Paul ang mga damo.

Pagsapit ng taglagas malalaki na ang kanyang mga kalabasa. At may malalaking kalabasang kulay-orange!

Hinila ni Paul si Itay para ipakita ito sa kanya. “Inalagaan mo palang mabuti ang mga kalabasa mo!” sabi ni Itay.

“Opo! At aalagaan kong mabuti ang sarili ko, para lumaki rin po ako.” Ngumisi si Paul. “At paglaki ko, makakapagmisyon na ako tulad ni kuya Eric!”

Mga paglalarawan ni Amy Wummer