Taludtod sa Taludtod
Genesis 1:26–27
Ano ang ibig sabihin ng nilalang ayon sa larawan ng Diyos?
Ang larawan ng Diyos
“Ang pagkilala sa isang kapangyarihang mas mataas kaysa sa sarili ay hindi nagpapababa sa anupamang paraan; sa halip, ito ay nagpapadakila. Kung matatanto lamang natin na tayo ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos, hindi tayo mahihirapang lumapit sa Kanya. … Ang kaalamang ito, na natatamo sa pamamagitan ng pananampalataya, ay maghahatid ng kapanatagan ng kalooban at matinding kapayapaan.”
Pangulong Thomas S. Monson, “The Lighthouse of the Lord,” Ensign, Nob. 1990, 95–96.
Natin
Ang pangmaramihang katagang ito ay nagpapahiwatig na may kausap ang Diyos—dahil totoong may kausap Siya. Itinuro ni Joseph Smith, “Sa simula, ang pinuno ng mga Diyos ay tumawag ng kapulungan ng mga Diyos; at sila ay nagpulong at gumawa [naghanda] ng isang plano na lalangin ang mundo at ang mga tao rito” (History of the Church, 6:308). Kasama sa kapulungang ito ang Panginoong Jesucristo at iba pa (tingnan sa Moises 2:26–27; Abraham 4:26–27).
Ayon sa ating wangis
“Ang Diyos Mismo ay minsang naging katulad natin, at isang taong dinakila, at nakaupo sa luklukan sa kalangitan! Iyan ang dakilang lihim. Kung mapupunit ngayon ang tabing, at … kung makikita ninyo Siya ngayon, makikita ninyo siya sa hubog ng tao—katulad ng inyong buong pagkatao, imahe, at anyo mismo ng isang tao.”
Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith (2007), 48.
“Ang tao ay anak ng Diyos, hinubog sa banal na larawan at pinagkalooban ng mga banal na katangian, at tulad ng ang isang sanggol na anak ng isang ama at ina sa lupa ay may kakayahan pagsapit ng takdang panahon na sumapat ang gulang, gayundin ang isang wala pang karanasang supling ng selestiyal na mga magulang ay may kakayahan, batay sa karanasan sa loob ng libu-libong taon, na unti-unting maging isang Diyos.”
Ang Unang Panguluhan, “The Origin of Man,” Improvement Era, Nob. 1909, 81; Ensign, Peb. 2002, 30.
Kapangyarihan
“Ang mundo at lahat ng bagay na naroon ay dapat gamitin nang responsable upang manaig ang sangkatauhan. Gayunman, lahat ay katiwala—hindi may-ari—sa mundong ito at sa yaman nito at mananagot sa harapan ng Diyos sa anumang ginagawa nila sa Kanyang mga nilalang.”
“Environmental Stewardship and Conservation,” mormonnewsroom.org; tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 104:13–15.
Lalaki at babae
“Lahat ng lalaki at babae ay kahalintulad ng Ama at Ina ng lahat ng tao at literal na mga anak ng Diyos.”
Ang Unang Panguluhan, “The Origin of Man,” Improvement Era, Nob. 1909, 78; Ensign, Feb. 2002, 29.
“Ang kasarian ay mahalagang katangian ng pagkakakilanlan at layunin ng isang tao sa kanyang buhay bago pa ang buhay niya sa mundo, sa buhay niyang mortal, at sa walang hanggan.”
“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” Liahona, Nob. 2010, 129.