Oras para sa Banal na Kasulatan
Si Pedro, si Cornelio, at ang Anghel
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Sabay-sabay na pag-aralan ang Bagong Tipan sa taong ito!
Matapos mabuhay na mag-uli si Jesus at bumalik sa langit, nangaral si Pedro at ang iba pang mga Apostol sa maraming lugar, ngunit sa mga Judio lamang.
Si Cornelio ay isang opisyal sa hukbong Romano. Naniwala siya sa Diyos, ngunit hindi siya Judio. Isang anghel ang nagpakita sa kanya at sinabi sa kanya na papuntahin si Pedro. Ipinahanap ni Cornelio sa kanyang mga tauhan si Pedro, at sinabi ng Espiritu Santo kay Pedro na sumama sa kanila.
Sa bahay ni Cornelio, tinuruan ni Pedro ang maraming tao na nagtipon doon. Sinabi niya sa kanila ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo, at nadama nila ang Espiritu Santo at nalaman na ito ay totoo. Nang malaman ng mga kaibigan ni Pedro na nangaral siya sa mga taong hindi Judio, nagulat sila. Ngunit sinabi ni Pedro sa kanila na nalaman niya na ang ebanghelyo ni Jesucristo ay para sa lahat. (Tingnan sa Mga Gawa 10:1–48; 11:1–18.)