2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Oktubre 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang halimbawa.

Filipino mother sings and does actions with her young children.

“Pagdiriwang ng Family Home Evening,” pahina 26: Kung hindi mo man pinalagpas ang isang linggo o ito ang una mong pagtatangka, isiping magdaos ng espesyal na family home evening para parangalan ang family home evening! Maaari mong basahin ang artikulo para makita kung paano nasisiyahan ang mga pamilya sa iba’t ibang panig ng mundo na magkasama-sama habang pinag-aaralan ang ebanghelyo. Isiping talakayin kung paano ninyo matatamo ang mithiin ninyong magdaos ng family home evening. Paano ninyo kakailanganing iangkop ito para matugunan ang mga pangangailangan ng inyong pamilya? Maaari kayong mangakong muli bilang pamilya na gawing prayoridad ang 100-taong tradisyong ito sa sarili ninyong tahanan, anuman ang inyong sitwasyon.

Illustration of a boy in bed looking worried and remembering seeing a bad TV show. The clock on the bedside shows 1:00 AM.

Paglalarawan ni Mark Robison

“Paghahanap ng Tulong,” pahina 72: Isiping basahin ang artikulo nang sama-sama bilang pamilya at pagkatapos ay talakayin ang sumusunod na mga tanong: (1) Anong uri ng mga larawan o media ang maaaring makita ng mga bata? (2) Alin sa mga iyon ang hindi mabuting tingnan o pagtuunan natin ng pansin? (3) Ano ang gagawin ng bawat tao sa isang sitwasyon kung saan may isang bagay na alam nilang hindi nila dapat makita o marinig? Talakayin ang mga estratehiya mula sa “Naku! Paano Na?” sa pahina 74 kung kailangan ninyo ng tulong sa mga ideya (paglayo sa sitwasyon, pagkausap sa mga magulang, paglilingkod, atbp.).