Library
Ano ang pinakagusto mo sa pagiging miyembro ng Simbahan?
Oktubre 2015


Sulok para sa Tanong

Ano ang pinakagusto mo sa pagiging miyembro ng Simbahan?

Product Shot from October 2015 Liahona

Gusto ko na sa oras ng sakramento ay nakikibahagi tayo sa tinapay at tubig bilang pag-alaala kay Jesucristo. Ang tinapay ay ipinapaalala sa atin ang Kanyang katawan at ang tubig ay ipinapaalaala sa atin ang Kanyang dugo. Kapag tayo ay nakikibahagi ng sakramento, maaari nating ipikit ang ating mga mata at isipin ang lahat ng ginawa ni Jesus para sa atin.

Ava J., edad 9, North Carolina, USA

Natutuwa akong malaman na maaaring magkasama-sama ang mga pamilya magpakailanman. (Renee)

Maaari akong magkaroon ng mga kaibigan, maaari kong basahin ang mga banal na kasulatan araw-araw, at maaari kong pag-aralan ang ebanghelyo. (Ralph)

Renee at Ralph E., edad 9 at 10, Metro Manila, Pilipinas

Gustung-gusto ko na nadarama ko ang Espiritu Santo. Damang-dama ko ang Espiritu Santo habang nakikinig sa mga mensahe at aralin. Nadarama ko rin ito kapag tumutulong ako sa iba.

Kaylee C., edad 7, Virginia, USA

Ang paborito ko ay na maaari tayong matuto at maglaro nang sabay, at marami pa tayong matututuhan tungkol kay Jesucristo. Gusto kong matuto tungkol sa Kanya dahil Siya ang aking Tagapagligtas. (Liz)

Gusto kong matuto tungkol kay Jesus, at alam kong mahal tayo ni Jesus. (Lalo)

Liz at Lalo S., edad 8 at 6, California, USA

Gustung-gusto kong dumalo sa Primary at kumanta.

Hayden H., edad 5, Utah, USA

Gusto kong matuto tungkol kay Jesucristo, at gusto kong dumalo sa Primary at makipagkaibigan.

Catherine W., edad 7, North Carolina, USA

Gustung-gusto ko na marami akong nagiging bagong kaibigan at maaari kong turuan ang mga kaibigan kong hindi miyembro tungkol sa ebanghelyo. Napapakinggan ko ang pangkalahatang kumperensya at napapakinggan kong magsalita ang mga propeta at Apostol. Masaya rin talaga ang family home evening dahil kung minsan ay lumalabas kami para mag-ice cream. Ang sarap!

Savannah H., edad 12, Washington, USA