Pagkadisipulo
Ang mundong ginagalawan natin ay tila ba nakadisenyo upang subukan ang ating dedikasyon sa pagiging disipulo. Sa pag-aaral natin ng Bagong Tipan ngayong taon, mapupukaw tayo ng mga turo at halimbawa ni Jesucristo at ng Kaniyang mga disipulo, na kapwa nagsikap na matuto sa at maging mas katulad ng kanilang Panginoon.
Bilang mga guro ng Bagong Tipan sa Brigham Young University, ang aking katrabaho na si Gaye Strathearn at ako ay nagpalitan ng saloobin sa isyu tungkol sa mga huwaran ng pagiging disipulo na matututunan natin mula kay Maria, ang ina ng Panginoon (pahina 12), at kay Juan na Pinakamamahal (pahina 18). Ang dalawang tauhan na ito ay ilan sa mga pinakadakilang saksi ni Jesucristo. Bukod sa Diyos Ama mismo, wala nang ibang mas nakakaalam kaysa sa ina ni Jesus na Siya ay tunay ngang Anak ng Diyos, at nabibilang si Juan sa orihinal na Labindalawa at lumalabas na isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ng Panginoon.
Ang debosyon nila at ng iba pang mga disipulo ay nagtuturo sa atin mismo kung paano maging minamahal na mga disipulo ni Jesucristo at mapanatili ang ating pagiging disipulo sa kabila ng mga kaguluhan sa mundo.
Sa mapanalangin nating pag-aaral ng Bagong Tipan, hindi lamang madaragdagan ang ating kaalaman tungkol kay Jesus kundi tunay na mas makikilala natin Siya (tingnan sa Juan 17:3).
Tapat na sumasainyo,
Eric D. Huntsman