2019
Hello mula sa Pilipinas
Enero 2019


Hello mula sa Pilipinas!

Ako si Paolo. At ako si Margo. Ngayong taon ay maglalakbay kami sa buong mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Diyos. Samahan kami sa aming pagbisita sa Pilipinas!

Hello from the Philippines

Mga isandaang milyong tao ang nakatira sa Pilipinas, kasama ang maraming kamangha-manghang mga hayop!

Walong pangunahing wika ang sinasalita sa Pilipinas. Ang Aklat ni Mormon na ito ay nakalimbag sa wikang tinatawag na Cebuano.

Paano ka nakakapunta sa simbahan? Ang ilang pamilyang Pilipino ay sumasakay sa mga jeepney para makalakbay!

Ang CTR na singsing na ito ay nasa wikang Pilipino na tinatawag na Tagalog. Ganito sabihin ang “choose the right”: piliin ang tama.

Ang mga ito ay mga templo sa Cebu City at Manila. At alam mo ba? Isang pangalawang templo ang itinatayo sa Manila! At magtatayo rin ng mga templo sa dalawa pang lungsod, sa Urdaneta at Cagayan de Oro.

Ang mga batang Pilipino ay naglalaro ng luksong tinik. Isa o dalawang bata ang uupo sa sahig at pagpapatungin ang kanilang mga paa at mga kamay. Pagkatapos, susubukan itong talunin ng ibang mga bata nang hindi natatamaan ang pagkakapatung-patong.

Kilalanin ang ilan sa ating mga kaibigan mula sa Pilipinas!

“Palagi akong nasasabik sa aming pagbabasa ng mga banal na kasulatan ng pamilya kapag gabi. Maganda ang pakiramdam ko kapag nababasa ko ang mga banal na kasulatan.”Lanneah D., edad 10, Gitnang Luzon, Pilipinas

“Noong nagsisimula pa lang akong magbasa, nalungkot ako dahil hindi ako makapagbasa nang mabilis. Tinulungan ako ng mga magulang at kapatid ko, at ngayon ay nasasabik akong magbasa ng mga banal na kasulatan.”Acumen D., edad 7, Gitnang Luzon, Pilipinas

Taga-Pilipinas ka ba? Sulatan kami! Masaya kaming makarinig mula sa iyo!

Salamat sa paglalakbay sa Pilipinas kasama namin! Magkita-kita tayo sa susunod!