2019
Matutong Balatan ang Skunk
Enero 2019


Mga Young Adult

Matutong Balatan ang Skunk

woman with skunk following

Sa tuwing naiisip ko ang pag-asa sa sarili, naiisip ko ang isang parirala mula sa aking mission president: “Balatan mo ang iyong sariling mga skunk.” Oo, ito ay kakaibang pahayag, pero maraming katotohanan sa ideya na mayroong mahihirap na bagay sa ating mga buhay na hindi natin mahihiling sa ibang tao na gawin para sa atin.

Kaya paano natin “mababalatan ang sarili nating mga skunk” tungkol sa emosyonal na pag-asa sa sarili? Paano natin makakayanan ang mga kabiguan at matutong kayanin ang lahat ng ating mga emosyon?

Sa kabutihang palad, hindi tayo naiiwan sa dilim—sagana sa resources o mapagkukunan. Makikita natin ang ilan sa mga ito sa “14 na Paraan upang Bumalik sa Ayos ang Iyong Emosyonal na Kalusugan.” Lalo na, mapapasimple natin ang buhay sa pagsunod natin sa mga kautusan (tingnan sa pahina 44).

Ang matutuhang tumugon sa lahat ng ibinabato sa atin ng buhay ay isang proseso. Ang pagkakaroon ng emosyonal na pag-asa sa sarili ay hindi nangangahulugang dapat nating maramdaman palagi kung ano ang gusto nating maramdaman. Ibig sabihin noon, sa pamamagitan ng kabutihang-loob ni Jesucristo at ng ating sariling pagsisikap, makakayanan nating pangasiwaan ang ating mga emosyon sa mabuti at kapaki-pakinabang na mga paraan. Binigyan tayo ni Pangulong M. Russell Ballard ng mga praktikal na payo upang makamit ang balanseng ito (tingnan sa pahina 48).

Sa ating pagsisikap na magkaroon ng emosyonal na pag-asa sa sarili, maaari nating maramdaman na tila tayo ay isang mahinang maliit na maya (tingnan sa pahina 46), pero kung magsisikap tayo at makikipagtulungan sa Ama sa Langit, maaari tayong magkaroon ng kumpiyansa na isang araw tayo ay “paiilanglang na may mga pakpak na parang mga aguila” (Isaias 40:31), na isang paraan upang sabihin na magkakaroon tayo ng lakas na balatan ang sarili nating mga skunk.

Lahat ng pinakamabuti,

Heather J. Johnson