Narito ang Simbahan
Tokyo, Japan
Sa Yanaka Cementery sa Tokyo, Japan, ang isang Banal sa mga Huling Araw na pamilya, ang mga Saitō, ay bumisita sa puntod ng kanilang pamilya. Para sa kanila ito ay lugar ng paggunita, na mas pinabanal dahil sa kanilang kaalaman sa ebanghelyo na ang mag-anak ay maaaring magsama-sama nang walang hanggan.
Ang respeto sa pamilya at mga ninuno ay malalim na nakatanim sa kultura ng mga Hapon, at nagagalak ang mga Hapon na mga Banal sa Huling Araw na ang kanilang bansa ay biniyayaan ngayon ng tatlong templo: Tokyo (una sa Asia, inilaan noong 1980 at kasalukuyang isinagawa ang pagbabago), Fukuoka (inilaan noong 2000), at Sapporo (inilaan noong 2016). Ang Japan din ay tahanan ng 64 na mga family history center.
Unang nakarating ang mga missionary sa Japan noong 1901, na pinangunahan ni Elder Heber J. Grant (1856-1945), na noon ay miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol at kalaunan ay pampitong Pangulo ng Simbahan. Ngayon ay may halos 130,000 na miyembro sa Japan sa 261 na mga kongregasyon.
-
Ang unang pagsasalin ng Aklat ni Mormon sa Nihonggo ay inabot ng limang taon at natapos noong 1909. Ang binagong pagsasalin ay inilathala noong 1957.
-
Ang unang meetinghouse ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Asia ay inilaan sa Japan noong 1964.
-
Ang mga General Authority na may lahing Hapon ay kinabibilangan nina Adney Y. Komatsu (1923–2011), ipinanganak sa Hawaii; Sam K. Shimabukuro (1925-2015), ipinanganak sa Hawaii; Yoshihiko Kikuchi, emeritus; Koichi Aoyagi, emeritus; Takashi Wada; at Kazuhiko Yamashita.