Mga Binhi ng Pananampalataya
Inihalintulad ni propetang Alma ang pagpapalago ng patotoo sa pagtatanim ng binhi (tingnan sa Alma 32). Kapag ikaw ay nananalangin, nagbabasa ng mga banal na kasulatan, at tumutulong sa iba, lalago ang iyong pananampalataya! Subukan ang eksperimentong ito para makita ang pag-usbong ng isang binhi.
Ano ang Kakailanganin Mo:
munggo (anumang uri)
mga paper towel o tisyu
malinaw, at naisasarang plastic bag
-
Maglagay ng mga basang paper towel o tisyu sa loob ng plastic bag. Ilagay ang munggo sa ibabaw at isara ang bag.
-
Ilagay at iwan ang bag sa isang maaraw na lugar. Pagkaraan ng mga isang linggo, dapat ay nagsimula nang umusbong ang munggo!
-
Hayaang lumago ang halaman nang ilan pang araw. Kapag may nakita ka ng mga ugat, itanim ang sumibol na munggo sa lupa. Bigyan ito ng tubig at pasikatan sa araw at tingnan kung gaano ito lalaki!
Pagpapares ng mga Halaman
Ang patotoo ng lahat ng tao ay iba-iba ang paglago. Maipapares mo ba ang bawat halaman sa anino nito?