2020
Tuwirang Sagot
Oktubre 2020


Tuwirang Sagot

Kung nagkaroon ako ng mga hamon sa kalusugang pangkaisipan, maaari pa rin ba akong magmisyon?

missionaries walking

Oo. Ang lahat ng taong “may mga naising maglingkod sa Diyos … ay tinatawag sa gawain” (Doktrina at mga Tipan 4:3). Kung paano tayo naglilingkod ay mas mahalaga kaysa sa kung saan tayo naglilingkod. At kailangang isaalang-alang ng sinumang nag-iisip na magmisyon ang kalusugan ng kanyang katawan at isipan.

Kung may naisin kang magmisyon, makipag-usap sa iyong bishop. Matutulungan ka niyang simulan ang proseso ng pag-aaplay. Bahagi ng prosesong iyon ang pagkonsulta sa mga doktor at iba pang propesyonal, pati na sa mga lider ng Simbahan at magulang. Ang mga konsultasyong ito ay hindi nilayon para suriin kung “sapat ang kabutihan” mo para sa Panginoon kundi para matukoy kung alin ang pinakamaiinam na opsiyon para sa iyong paglilingkod.

Ang tawag na maglingkod ay maaaring dumating sa sinumang may mga naising maglingkod. Ang pagtatalaga na natatanggap mo para maglingkod sa isang partikular na lugar o sa isang partikular na paraan ay maaaring nakasalalay sa maraming salik. Kung minsan ay sinusubukang ilihim ng mga taong may mga hamon sa kalusugan (kabilang na ang kalusugang pangkaisipan) ang impormasyong ito sa proseso ng aplikasyon, sa pag-aakalang makatutulong iyon sa kanila na matanggap ang pagtatalaga na gusto nila. Ngunit kung magiging tapat ka tungkol sa iyong kasaysayang medikal (kabilang na ang kalusugang pangkaisipan), pagpapalain ka ng Panginoon. Inaasahan Niya na gagawin mo ang lahat para bumuti ang iyong kalusugan. At halos lahat ng suportang medikal na natatanggap mo sa bahay ay maaaring ituloy sa mission field.