2021
Freetown, Sierra Leone
Hunyo 2021


Narito ang Simbahan

Freetown, Sierra Leone

Freetown, Sierra Leone

Mga larawang kuha ni Christina Smith

Ang kabisera ng Sierra Leone at ang pinakamalaking lungsod nito, ang Freetown ay tahanan ng mahigit sa isang milyong tao. Ito rin ay sentro ng lakas para sa Simbahan, na may tatlong stake, seminary at institute program, walong family history center, at isang templo na itatayo. Naitatag ang Simbahan sa Sierra Leone mula pa noong 1988 at may:

22,787 miyembro

79 na kongregasyon

1 mission

two people filling buckets from a well

May Pantay na Pananagutan

Sa loob ng lungsod ng Kenema, magkasamang naglalaba ang stake president na si Jonathan Cobinah at ang kanyang asawang si Amarachi Nneka Cobinah. “Tinutulungan namin ang isa’t isa bilang mag-asawa na may pantay na pananagutan,” sabi ni Jonathan. “Iyan ang itinuturo ng ‘Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo’ na dapat nating gawin.”