Para sa mga Magulang
Ang Panguluhang Diyos at Pagmamahal sa Kapwa
Mahal Naming mga Magulang,
Kasama sa isyu sa buwang ito ang mga paksang tulad ng Panguluhang Diyos, ang responsibilidad ng mga magulang, pagpapatawad, at paglilingkod sa lahat ng anak ng Diyos—saanman sila nanggaling o saanman sila papunta. Ang mga artikulo sa ibaba ay makatutulong sa pagtuturo ninyo ng mga alituntuning ito sa inyong tahanan.
Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo
Ang Panguluhang Diyos
Gamitin ang “Mga Pangunahing Alituntunin ng Ebanghelyo” sa pahina 6 upang ituro sa inyong mga anak ang tungkol sa Panguluhang Diyos. Ano ang Kani-kanyang gawain ng Ama sa Langit, ni Jesucristo, at ng Espiritu Santo? Paano Sila nagtutulungan upang maisakatuparan ang Kanilang mga layunin? Paano magtutulungan nang may lubos na pagkakaisa ang inyong pamilya upang maisakatuparan ang mga dakilang bagay?
Mga Family Council
Itinuro sa atin na noon pa man ay kailangan na ang mga family council at ang mga ito ay walang hanggan (tingnan sa M. Russell Ballard, “Mga Family Council,” Liahona, Mayo 2016, 63). Ang artikulo sa pahina 12 ay nagbibigay ng ilang tagubilin para maging epektibo ang mga family council. Paano ginagawa ng inyong pamilya ang mga iyon?
Pagiging Magulang
Sa pahina 8, ibinahagi ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano niya natutuhan ang isang mahalagang aral tungkol sa pagiging malapit sa kanyang anak. Isiping basahin ang artikulong ito kasama ang inyong asawa at talakayin kung paano ninyo mas mapapanatiling malapit sa inyong puso ang inyong mga anak.
Pagtulong sa mga Refugee
Hinilingan tayong mapanalanging paglingkuran ang mga taong napilitang iwan ang kanilang tirahan, kabilang na ang mga refugee, na nakatira sa ating komunidad. Basahin ang artikulo sa pahina 18. Talakayin kung ano ang kailangan ng mga tao sa inyong lugar, at planuhing paglingkuran at kaibiganin sila.
Suporta sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Tingnan sa mga pahina 34–37 ang materyal na sumusuporta sa pag-aaral ng inyong pamilya ng Doktrina at mga Tipan sa buwang ito.
Masayang Pag-aaral ng Pamilya
Paikutin Sandali
-
Umupo nang pabilog ang lahat. Pag-usapan ang ilang maliliit na kabutihan na magagawa ng mga miyembro ng pamilya sa isa’t isa.
-
Maglagay ng isang lapis sa gitna ng bilog.
-
Magsalitan sa pag-ikot ng lapis.
-
Sinuman ang ituro ng lapis ay dapat iarte ang maraming kabutihan na maiisip niya sa loob ng isang minuto.
-
Magpatuloy hanggang sa magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa.
Talakayan: Anong kabutihan ang magagawa natin para sa ating mga kapitbahay, miyembro ng ward, at sa ating sarili? Paano humahantong sa mga dakilang bagay ang maliliit at mga simpleng kabutihan?
Sundin ang Propeta
Si Oliver Cowdery ay naatasang magdala ng manuskrito ng Aklat ng mga Kautusan sa Independence, Missouri. Iniutos ng Panginoon kay John Whitmer na sumama kay Oliver (tingnan sa Doktrina at mga Tipan69:2).
-
Magkunwaring inutusan ka ng Panginoon na ihatid ang manuskrito ng Aklat ng mga Kautusan (na kalaunan ay naging Doktrina at mga Tipan).
-
Ano ang kailangan mong gawin para maingatan ang mahalagang aklat na ito?
-
Mag-isip ng isang pagkakataon na pinagkatiwalaan ka ng isang tao na tapusin ang isang mahalagang gawain.
-
Anong mga hakbang ang ginawa mo para matapos ang gawain?
Talakayan: Bakit mahalagang sundin ang tagubilin ng mga lider ng Simbahan? Paano tayo mapoprotektahan ng pagsunod sa ating propeta at iba pang mga lider ng Simbahan?
Paghahanap ng Kayamanan ng Ninuno
Iniutos ng Panginoon kay John Whitmer na tipunin at itala ang kasaysayan ng Simbahan, “nagsusulat, nagsisipi, pumipili, at kumukuha ng lahat ng bagay na para sa ikabubuti ng simbahan, at para sa bumabangong salinlahi” (Doktrina at mga tipan 69:8). Pansinin kung gaano kahalaga ang pag-iingat ng talaan sa Simbahan.
-
Hanapin ang isang ninuno sa FamilySearch.org o sa iba pang mga family history record.
-
Basahin ang kanyang journal o ang mga alaala ng mga miyembro ng pamilya tungkol sa taong ito.
-
Bumanggit ng ilang mabubuting bagay tungkol sa iyong ninuno.
-
Paano ka natutulad sa iyong ninuno?
-
Paano naging kayamanan ang mga rekord na ito para sa iyo?
Talakayan: Pag-usapan ang mga bagay na nagawa ng inyong mga ninuno. Talakayin kung paano pinagpala ng kanilang buhay ang inyong buhay. Magbahagi kung paano natutulad ang inyong buhay sa kanila. Pag-usapan kung paano naiiba ang inyong buhay sa kanila.