2021
Paano Pinalalakas ng Ebanghelyo ang Ating mga Pamilya
Hunyo 2021


Welcome sa Isyung Ito

Paano Pinalalakas ng Ebanghelyo ang Ating mga Pamilya

Chomjak family

Photograph courtesy of the author

Ilang taon na ang nakararaan, nagpasiya ang aming pamilya na mag-impake, lisanin ang aming tahanan, at makipagsapalaran sa ibang bansa. Habang naghahanda kami para sa paglalakbay na ito, madalas kaming mag-usap para matiyak na nagkakaisa kami sa aming desisyon dahil magkakaiba ang magiging epekto nito sa bawat isa sa amin.

Bukod pa sa pag-iimpake ng pisikal na mga pangangailangan namin, pinag-usapan din namin kung paano namin “maiimpake” ang aming espirituwal na mga pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng nakagawiang pagdarasal, pag-aaral ng banal na kasulatan, at pagsisimba. Noong manirahan kami sa iba’t ibang lugar, nakatulong nang malaki sa amin ang pagsisimba sa mga lugar na lubos na naiiba mula sa dating lugar na pinagsisimbahan namin at pakikipag-usap sa mga Banal na naninirahan doon. Sa pahina 22, mababasa ninyo ang isa sa mga lugar na iyon, ang Dubai, at ang hindi inaasahang pagkakatulad sa moral o kagandahang-asal na natuklasan namin sa aming mga kapitbahay na Muslim.

Ang pagiging miyembro natin sa Simbahan ay lumilikha ng isang magkakaugnay na pagmamahal at suporta, isang pamilya ng ebanghelyo na tayong lahat ay bahagi. Ang kapitbahay kong si Jamie ay isang magandang halimbawa ng paglilingkod sa aking mga anak. Halimbawa, noong naghihintay ang aking anak sa pagpasok sa missionary training center at nagtatrabaho ako sa maghapon, isinasama siya ni Jamie sa templo nang ilang beses kapag hindi ako nakakasama.

  • Sa pahina 16, mababasa ninyo ang tungkol sa iba pang mga paraan para masuportahan ang mga magulang sa pamamagitan ng ministering.

  • Sa pahina 8, mababasa ninyo ang payo ni Elder Jeffrey R. Holland tungkol sa pagpapanatiling malapit sa ating mga anak.

  • Sa pahina 12, mababasa ninyo ang tungkol sa mga paraan para mapagbuti ang inyong family council.

Makinabang sa isyung ito habang iniisip ninyo kung paano ninyo magagamit ang mga alituntunin ng ebanghelyo para makatulong sa pag-aaruga ng inyong sariling mga anak at ng iba pa na inilagay sa inyong buhay.

Tapat na sumasainyo,

Carol Chomjak