2021
Nagmula ba ang mga Paghahayag sa Diyos?
Hunyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Nagmula ba ang mga Paghahayag sa Diyos?

Doktrina at mga Tipan 67–70

Hunyo 21–27

article on modern revelation

Nobyembre 1831: Nakinig nang mabuti si William E. McLellin habang nakaupo siya sa isang kumperensya ng Simbahan kasama si Joseph Smith at ang ilan pang ibang elder. Ilang araw bago iyon, binigyan siya ng paghahayag ni Joseph na sumagot sa limang tanong na ibinahagi lamang ni William sa Diyos (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 66). Ngayon ang mga miyembro sa kumperensya ay nagpasiya na ilathala ang mga paghahayag ng Propeta sa isang tinipong tala na tatawaging Aklat ng mga Kautusan (tinawag kalaunan na Doktrina at mga Tipan).

Ang hamon: Hindi naniniwala ang ilang elder na nagmula sa Diyos ang mga paghahayag. Inisip nila na hindi gaanong maganda ang wikang ginamit. Upang masagot ang pahayag na iyan, nagbigay ng hamon ang Panginoon: “Italaga siya na pinakamarunong sa inyo” na sumulat ng isang bagay na “tulad” ng mga paghahayag. Kung may makakagawa niyan, sasabihin ng mga elder na ang mga paghahayag ay hindi totoo. Kung walang makakagawa niyan, kinakailangang “magpapatotoo” ang mga elder na nagmula sa Diyos ang mga paghahayag (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 67:5–8).

Ang resulta: Si William, na dating guro, ay tinanggap ang hamon ng Panginoon at sinubukang magsulat ng isang paghahayag. Nabigo siya.1 Ang pagkabigo ni William ay nagpalakas sa kanyang patotoo na si Joseph Smith ay isang propeta. Kasama ang iba pang mga elder sa kumperensya, nilagdaan ni William ang isang pahayag na nagsasabing alam niya “sa pamamagitan ng Espiritu Santo” na ang mga paghahayag ay “ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos” at ang mga ito ay “kapaki-pakinabang sa lahat ng tao at talagang totoo.”2

Mga Tala

  1. Tingnan sa “History, 1838–1856, volume A-1 [23 December 1805–30 August 1834],” 162, josephsmithpapers.org.

  2. Tingnan sa “Testimony, circa 2 November 1831,” 121, josephsmithpapers.org; iniayon sa pamantayan ang pagbabaybay.