2021
Pag-alam Kung Paano Tayo Sumasamba at Ano ang Ating Sinasamba
Agosto 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pag-alam Kung Paano Tayo Sumasamba at Ano ang Ating Sinasamba

Doktrina at mga Tipan 93

Sa bahagi 93 ng Doktrina at mga Tipan, inihayag ng Diyos ang ilang katotohanan tungkol kay Jesucristo para “malaman natin kung paano sumamba, at malaman kung ano ang [ating] sasambahin” (talata 19). Ang buhay na ito ay naglalahad sa atin ng maraming sagabal sa ating tunay na pagsamba sa ating Ama sa Langit at kay Jesucristo.

“Anumang bagay ang ganap na pagtuunan ng puso at tiwala ng tao ay kanyang diyos,” pagsulat ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) sa mga miyembro ng Simbahan noong 1976; “at kung hindi man ang totoo at buhay na Diyos ng Israel ang kanyang diyos, sumasamba ang taong iyon sa diyus-diyusan.”

Ang sumusunod ay maikling sipi mula sa mensahe ni Pangulong Kimball na angkop pa rin sa atin ngayon:

young man leaning against a pedestal on which a car sits

Paglalarawan ni Katie Payne

“Sumagot ang isang kabataang lalaki, nang matawag sa misyon, na wala siyang talento para sa gayong klaseng bagay. Magaling siyang mag-alaga at magkumpuni ng bago niyang kotseng matulin. …

“Sa lahat ng ito, kuntento na ang tatay niya sa pagsasabing, ‘Gusto niyang gumawa ng kung anu-ano. Sapat na iyon sa kanya.’

“Sapat na para sa isang anak ng Diyos? Hindi alam ng kabataang ito na ang puwersa ng kotse niya ay napakaliit kumpara sa puwersa ng dagat, o ng araw; at maraming araw, lahat ay kontrolado ng batas at ng priesthood, sa huli—isang kapangyarihan ng priesthood na napalakas sana niya sa paglilingkod sa Panginoon. Nakuntento siya sa isang kaawa-awang diyos, na yari sa bakal at goma at makintab na chrome. …

“Maliwanag ang takdang-gawain natin: huwag maghangad ng mga makamundong bagay sa buhay; iwasang sumamba sa mga diyus-diyusan at sumulong nang may pananampalataya. …

“… Kapag naunawaan ng isang tao ang tunay na gawain, kapag bahagya niyang nakita ang kawalang-hanggan sa tunay na kahulugan nito, magiging mas mahalaga ang mga pagpapala kaysa pagtalikod sa ‘mundo.’”1

Tala

  1. Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Spencer W. Kimball (2006), 181, 182–83.