2021
Pagtuturo tungkol sa Priesthood at Kahandaan
Agosto 2021


Para sa mga Magulang

Pagtuturo tungkol sa Priesthood at Kahandaan

a young man in a wheelchair blessing the sacrament

Minamahal na mga Magulang,

Kasama sa mga paksa para sa buwang ito ang priesthood, kalusugan ng isipan, at espirituwal at temporal na kahandaan. Gamitin ang bahaging ito para makakuha ng mga ideya kung paano ninyo magagamit ang isyung ito para tulungan kayong malaman ang partikular na mga problemang maaaring kinakaharap ng inyong mga anak at tulungan kayong ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo sa inyong tahanan.

Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Priesthood

Habang tinuturuan ninyo ang inyong mga anak tungkol sa priesthood at mga ordenansa ng priesthood, gamitin ang “Mga Pangunahing Alituntunin ng Ebanghelyo” sa pahina 10 bukod pa sa artikulo ni Pangulong Dallin H. Oaks sa pahina 6. Talakayin sa inyong mga anak ang kahalagahan ng priesthood at kung paano pinagpapala ng Panginoon ang ating buhay sa pamamagitan nito.

Kalusugan ng Isipan

Ang artikulong “Paano Ko Masusuportahan ang Isang Anak na Nakakaramdam ng Depresyon?” sa pahina 16 ay nagkukuwento tungkol sa ilang paraan na makikilala ninyo ang mga sintomas ng kalungkutan sa inyong anak at nagmumungkahi ng ilang estratehiya sa malusog na pagharap sa mga problema. Gamitin ang artikulong ito kasabay ng mga artikulo sa mga pahina 12 at 18 para tulungan ang inyong mga anak na harapin ang mga hamon sa kalusugan ng isipan.

Espirituwal at Temporal na Kanlungan

Ang artikulo sa pahina 20 ay makakatulong sa inyong pamilya na makabuo ng isang plano ng kahandaan sa oras ng emergency kung hindi pa ninyo ito nagagawa. Ang mas mahalaga, itinuturo din nito ang ilan sa mga pagkakatulad para sa ating espirituwal na kahandaan.

Mga Tulong sa Pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Tingnan sa pahina 26 ang mga artikulo para suportahan ang pag-aaral ng inyong pamilya ng Doktrina at mga Tipan sa buwang ito.

Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

group of siblings in line against white wall

Itaas: larawang kuha mula sa Getty Images

Isaayos ang Inyong Sarili

Doktrina at mga Tipan 88

Masusundan sa ating tahanan ang huwarang ito: “Isaayos ang inyong sarili; ihanda ang bawat kinakailangang bagay; at magtayo ng isang bahay, maging isang bahay ng panalanginan, isang bahay ng pag-aayuno, isang bahay ng pananampalataya, isang bahay ng pagkakatuto, isang bahay ng kaluwalhatian, isang bahay ng kaayusan, isang bahay ng Diyos” (Doktrina at mga Tipan 88:119).

Ang ibig sabihin ng isaayos ay ayusin ang mga bagay-bagay o maghanda ng isang aktibidad o kaganapan.

Isaayos ang inyong pamilya sa iba’t ibang paraan:

  1. Papilahin sila mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata.

  2. Patayuin sila ayon sa alpabeto, alinsunod sa kanilang pangalan.

  3. Papilahin sila ayon sa buwan ng kanilang kapanganakan.

Talakayan: Paano nais ng Tagapagligtas na isaayos natin ang ating sarili (1) sa ating mga gawain sa bahay, (2) sa ating espirituwal na pag-aaral, (3) sa ating pagsamba sa simbahan at sa templo?

Anong mga mithiin ang maaaring itakda ng inyong pamilya sa paglikha ng isang “bahay ng Diyos”?

Tatakbo at Hindi Mapapagod

Doktrina at mga Tipan 89

Sa Doktrina at mga Tipan 89, nagbigay ng isang paghahayag ang Panginoon na tinatawag na Word of Wisdom.

  1. Matapos basahin ang bahagi 89, patayuin ang lahat sa gitna ng isang silid.

  2. Italaga ang isang panig ng silid bilang panig na “mabuti” at ang kabilang panig ng silid bilang panig na “hindi mabuti.”

  3. Ipabasa sa isang miyembro ng pamilya ang mga talata 5–17.

  4. Lilipat ang iba pang mga miyembro ng pamilya sa alinman sa panig ng silid na “mabuti” o “hindi mabuti,” depende sa nakalarawan sa talatang iyon. Mabuti ba ang sangkap para sa ating katawan o hindi?

Talakayan: Anong mga pangako ang kabilang sa Doktrina at mga Tipan 89:18–21? Paano mapapaunlad ng pangangalaga ng ating katawan ang ating espirituwal na kaugnayan sa Panginoon?