Welcome sa Isyung Ito
Ang Kapangyarihan ng Priesthood
“Ang Tagapagligtas ay may banal na kapangyarihan at awtoridad, at ibinahagi Niya ito,” isinulat ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan (tingnan sa kanyang artikulo sa pahina 6). Itinuro ni Pangulong Oaks kung paano naiiba ang awtoridad ng priesthood sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw kumpara sa iba pang mga simbahan at pagkatapos ay ipinaliwanag na, “Ang mga ordenansa ng kaligtasan at kadakilaan ay mahalaga sa dakilang plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak.”
Nagtapos si Pangulong Oaks sa pag-anyaya sa atin na umasa sa “dakilang araw ng Panginoon na dumating” (Doktrina at mga Tipan 45:39). Tanong niya, “Kung alam nating haharap tayo sa Panginoon bukas—sa pamamagitan ng ating kamatayan o ng Kanyang pagdating—ano ang gagawin natin ngayon?”
Ang iba pang mga artikulo na tutulong sa pag-aaral ninyo ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin ng Doktrina at mga Tipan ay nasa mga pahina 26–33.
Ang isa pang mahalagang tema sa isyung ito ay ang kalusugang pangkaisipan at emosyonal na katatagan. Mas makakaya nating harapin ang ating mga pagsubok kapag sinuportahan natin ang isa’t isa sa mahihirap na panahon at natuto tayong piliin ang mga pag-iisip na tumutulong sa atin na magtiis nang husto. Ang ilang artikulo ay nilayong turuan tayo kung paano ito gawin mismo (tingnan sa pahina 12, 16, 18, at 20).
Ipaalam sa amin kung nakatulong at napasigla kayo ng mga ito at ng iba pang mga artikulo sa isyu. Maaari kayong mag-email sa amin sa liahona@ChurchofJesusChrist.org.
Tapat na sumasainyo,
Ryan Carr
Liahona Assistant na Namamahalang Patnugot