2021
Pagtanggap ng Kapangyarihang Makadiyos
Agosto 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pagtanggap ng Kapangyarihang Makadiyos

Doktrina at mga Tipan 84

an illustration depicting the covenant path

Paglalarawan ni Bryan Beach

Sa mga ordenansa ng Melchizedek Priesthood, “ang kapangyarihan ng kabanalan ay makikita” (Doktrina at mga Tipan 84:20).

Paano Sumulong sa Landas ng Tipan

Ang mga ordenansa ng priesthood na natatanggap natin ay higit pa sa isang checklist. Itinuro ni President Tad R. Callister, dating Sunday School General President, na “bawat isa ay nagbibigay ng banal na kapangyarihan” sa ating buhay.1

Aktibidad

Mga materyal na kailangan: lapis, isang papel na may dalawang hanay na may nakasulat na “Pangalan” at “Plano para sa susunod o kailangang ordenansa.”2

Mga tagubilin: Ilista ang bawat miyembro ng pamilya at isipin kung ano ang makakatulong sa kanila na maghanda para sa susunod nilang ordenansa (pati na sa sakramento). Halimbawa, maaaring may isang anak ang mga magulang na malapit nang mabinyagan, o maaaring may nakatatandang kapatid ang mga tinedyer na naghahandang tumanggap ng mga ordenansa sa templo. Maaari ninyong magkasamang kumpletuhin ang aktibidad na ito sa home evening at lumikha kayo ng partikular na mga plano para tulungan ang isa’t isa na sumulong sa landas ng tipan.

Mga Pagpapala

Sa pagtanggap ng kapangyarihan ng mga ordenansa ng priesthood, maaari tayong maging higit na katulad ni Jesucristo. Liliwanagan ng kaloob na Espiritu Santo ang ating isipan at palalambutin ang ating puso na mag-isip at makadama nang higit na katulad Niya.3 At ang makipag-ugnayan nang mas lubusan sa kapangyarihan ng Diyos ay tutulong sa inyong pamilya na madaig ang pinakamahihirap na pagsubok.4

Talakayan

Paano nagdulot ng kapangyarihan sa inyong buhay ang pakikibahagi sa mga ordenansa? Paano ninyo matutulungan ang mga miyembro ng inyong pamilya na maghandang tumanggap ng kasunod nilang ordenansa?

article on receiving godly power

Mga Tala

  1. Tad R. Callister, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2019, 87.

  2. Tingnan ang paglalarawan ng mungkahi ni Elder David A. Bednar sa Gary E. Stevenson, “Ang Inyong Apat na Minuto,” Liahona, Mayo 2014, 86.

  3. Tingnan sa Tad R. Callister, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” 87.

  4. Tingnan sa Neil L. Andersen, “Pagsubok sa Inyong Pananampalataya,” Liahona, Nob. 2012, 40.