2022
May Gusto bang Sabihin sa Akin ang Panginoon?
Oktubre 2022


“May Gusto bang Sabihin sa Akin ang Panginoon?,” Liahona, Okt. 2022.

Pagtanda nang May Katapatan

May Gusto bang Sabihin sa Akin ang Panginoon?

Sa wakas, sa edad na 90, natanggap ng aking ina ang kanyang patriarchal blessing.

Larawan
matandang babae

Larawang ginamitan ng modelo

Ang aking ina na si Margaret ay lumipat sa Estados Unidos mula sa Switzerland noong dalaga pa siya. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, nagkaroon siya ng appointment upang matanggap ang kanyang patriarchal blessing. Ngunit nang makipagkita siya sa patriarch, wala ito roon. Sa anumang dahilan, nadama ng aking ina na kumpirmasyon iyon na walang gustong sabihin sa kanya ang Panginoon, kaya hindi na siya ulit nagpaiskedyul ng appointment.

Paminsan-minsan sa paglipas ng mga taon, iminumungkahi ko sa aking ina na isaalang-alang niya ulit ang pagtanggap ng kanyang basbas. Isa siya sa mga pinakamatapat na babaeng nakilala ko. Gayunpaman, masyado siyang mapagpakumbaba kaya tumugon siya na hindi siya karapat-dapat sa anumang espesyal na bagay mula sa Panginoon. Hindi niya kailangan ng basbas, sabi niya, dahil simpleng babae lamang siya. At ayos lamang iyon sa kanya.

Sa wakas, noong siya ay 90 taong gulang na, nakumbinsi namin siyang mag-iskedyul ng appointment sa kanyang patriarch. Sa kabalintunaan, nagkaroon din ng di-pagkakaintindihan sa patriarch na ito, at nang dumating si Inay, ang patriarch ay wala sa bayan. “Kita mo na?” sabi niya. “Sinabi ko na sa iyo na walang gustong sabihin sa akin na espesyal ang Panginoon.”

Mabuti na lamang, nagkita sila ng patriarch nang sumunod na linggo. Nang ibigay ang basbas, puno ito ng mga kaloob, pangako, at detalye tungkol sa kanyang buhay na sa sobrang personal ay maaari lamang magmula sa kaalaman ng Panginoon tungkol sa kanya.

“Siguro nga may gustong sabihin sa akin ang Panginoon,” sabi niya.

Malinaw sa akin na kilala ng Panginoon ang bawat isa sa atin. At ikaw man ay nasa simula ng iyong buhay o nasa dulo nito, mahal na mahal ka Niya kaya may mahalagang payo Siyang ibibigay sa iyo sa pamamagitan ng iyong patriarch.

Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.

Print