2022
Bakit Inilarawan ni Isaias si Jesucristo bilang Isang Kordero?
Oktubre 2022


“Bakit Inilarawan ni Isaias si Jesucristo bilang Isang Kordero?” Liahona, Okt. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Isaias 50–57

Bakit Inilarawan ni Isaias si Jesucristo bilang Isang Kordero?

Sa panahon ng Lumang Tipan, iniutos ng batas ni Moises na magsakripisyo ang mga anak ni Israel mula sa kanilang mga kawan ng tupa at baka ng “isang lalake na walang kapintasan” at “ialay ito sa [kanilang] sariling kusang kalooban” (Levitico 1:3). Kaya nga, itinuro ni Isaias na si Jesucristo ay “gaya ng kordero na dinadala sa katayan” (Isaias 53:7).

Maraming simbolo sa Lumang Tipan, tulad ng pag-aalay ng hayop, ang nilayong ipaalala sa atin ang Tagapagligtas. Pag-isipan ang mga sumusunod na salaysay at kung paano tayo itinuturo ng mga ito kay Cristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala:

  • kordero

    Mga larawang-guhit ni Neil Webb

    Ang propesiya ni Enoc tungkol sa Kordero na “pinatay mula sa pagkakatatag ng daigdig” (Moises 7:47)

  • naghahanda si Abraham na isakripisyo si Isaac

    Si Abraham ay handang ialay si Isaac (tingnan sa Genesis 22:8–14)

  • unang Paskua

    Ang unang Paskua (tingnan sa Exodo 12:5–7)