2022
Kilala Ako ng Diyos Bago Ako Isinilang
Oktubre 2022


“Kilala Ako ng Diyos Bago Ako Isinilang,” Liahona, Okt. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Jeremias 1

Kilala Ako ng Diyos Bago Ako Isinilang

batang babae na nakaunat ang mga bisig at tinitingnan ang mga bituin sa kalangitan

Namuhay tayo sa piling ng Ama sa Langit bago tayo isinilang. “Ang ating personal na paglalakbay ay hindi nagsimula sa pagsilang. Bago tayo isinilang, magkakasama tayo sa isang mundo ng paghahanda kung saan tayo ay ‘tumanggap ng [ating] mga unang aral sa daigdig ng mga espiritu’” [Doktrina at mga Tipan 138:56].”1 Nilinaw ng Panginoon ang katotohanang ito kay Jeremias nang sinabi niyang, “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita … [at] inihalal kitang propeta sa mga bansa” (Jeremias 1:5).

Binigyan ba tayo ng Panginoon ng mga misyon na gagampanan din natin?

Sinabi ni Sister Wendy W. Nelson:

“Bago tayo ipinanganak, ikaw at ako ay binigyan ng kahanga-hangang mga misyon na gagampanan habang nasa mundong ito. …

“Ang pagpili ay nasa iyo at sa akin. Pipiliin ba nating gawin ang kahit ano upang matupad ang mga kahanga-hangang misyon na dapat nating gawin sa lupa?”2

Tungkol pa rin sa paksang ito, itinuro ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol, “[Sinabi ni Apostol Pablo] sa mga miyembro ng Simbahan na ‘tayo’y pinili ng Dios sa kaniya bago itatag ang sanglibutan, upang tayo’y maging banal at walang paninisi sa harapan niya sa pag-ibig,’ at na tayo ay inorden noon pa man na maging mga anak ni Jesucristo sa pamamagitan ng pagkukupkop, kaya’t nagtatamo tayo ng ‘kapatawaran ng mga kasalanan’ sa buhay na ito at mana ng walang hanggang kaluwalhatian sa buhay na darating [Mga Taga Efeso 1:7].”3

Mga Tala

  1. Neil L. Andersen, “Ang Personal na Paglalakbay ng Isang Anak ng Diyos,” Liahona, Mayo 2021, 46.

  2. Wendy M. Nelson, “Pag-asa ng Israel” (pandaigdigang debosyonal para sa mga kabataan, Hunyo 3, 2018), HopeofIsrael.ChurchofJesusChrist.org.

  3. Bruce R. McConkie, “God Foreordains His Prophets and His People,” Ensign, Mayo 1974, 73; tingnan din sa Mga Paksa ng Ebanghelyo, “Pag-orden noon pa man,” topics.ChurchofJesusChrist.org.