2022
Paano Natin Matutupad ang Bago at Walang Hanggang Tipan?
Oktubre 2022


“Paano Natin Matutupad ang Bago at Walang Hanggang Tipan?” Liahona, Okt. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Jeremias 31

Paano Natin Matutupad ang Bago at Walang Hanggang Tipan?

Larawan
larawan ni Jesucristo

Detalye mula sa Si Cristo sa Emaus, ni Carl Heinrich Bloch

Sa pamamagitan ni Jeremias, ipinahayag ng Panginoon na Siya ay “gagawa ng panibagong tipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda” (Jeremias 31:31). Ang pangakong ito ay natupad sa ating panahon noong “ipinahayag muli ang … tipan sa mundo ni Jesucristo sa pamamagitan ng propetang si Joseph Smith. … Kapag tinanggap ng mga tao ang ebanghelyo at nangakong tutuparin ang mga kautusan ng Diyos, nakikipagtipan ang Diyos na ibibigay sa kanila ang mga biyaya ng kanyang bago at walang hanggang tipan.”1

Pag-isipan ang mga tanong na ito habang pinag-aaralan mo ang Jeremias 31:

  • Saan “isusulat” ng Panginoon ang Kanyang kautusan? (tingnan sa talata 33).

  • Ano ang gagawin ng Panginoon para sa atin kung tutuparin natin ang ating mga tipan? (tingnan sa talata 34).

  • Ano ang gagawin ng Panginoon kung hindi natin susundin ang Kanyang batas o kautusan? (tingnan sa mga talata 36–37).

Itinuro ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Ang bago at walang hanggang tipan ay ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sa madaling salita, mga doktrina at kautusan ng ebanghelyo ang bumubuo sa diwa ng walang hanggang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao na ipinanunumbalik sa bawat dispensasyon.”2

Print