“Suva, Fiji,” Liahona, Okt. 2022.
Narito ang Simbahan
Suva, Fiji
Larawang kuha ni Kyle Post
Ang Fiji ay isang bansa kung saan maraming kultura at etnisidad ang nag-uugnayan. Ang unang binyag ng miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Fiji ay naganap sa kabiserang lungsod ng Suva noong 1953. Ngayon, ang Simbahan sa Fiji ay may:
-
22,150 na mga miyembro (humigit-kumulang)
-
4 na stake, 51 na ward at branch, 1 mission
-
1 templo
Nasa Sentro ng Ebanghelyo
Sa liblib na bayan ng Nasivikoso, sina Iliseva Seitube at ang kanyang asawang si Tuivuna Manoa ay nagalak na pagmasdan ang paglaki ng kanilang mga anak. Ang mga ugnayan ng pamilya ang sentro ng ebanghelyo sa Fiji at sa buong mundo.
Karagdagang Impormasyon tungkol sa Simbahan sa Fiji
-
Mga impormasyon, estadistika, at kasaysayan ng Simbahan sa Fiji.
-
Binisita nina Pangulong Russell M Nelson at Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol ang Fiji.
-
Matapos mamatay ang dalawang anak, isang mag-asawa sa Fiji ang nagpahalaga sa kaalaman na ang mga pamilya ay walang hanggan.
-
Isang pioneer na miyembro ng Simbahan sa Fiji ang nagkukuwento tungkol sa mga pagpapalang hatid ng ebanghelyo sa kanyang bansa.
Isang bata ang nagwawagayway sa pambansang bandila upang batiin si Pangulong Russell M. Nelson at ang iba pang mga lider ng Simbahan sa Fiji noong 2019.
Ang Suva Fiji Temple ay muling inilaan noong Mayo 2016 ni Pangulong Henry B. Eyring, Pangalawang Tagapayo sa Unang Panguluhan.
Si Sister Rebecca L. Craven, Pangalawang Tagapayo sa Young Women General Presidency (gitnang kanan), ay nakikiisa sa kababaihan sa Fiji kasunod ng debosyonal noong 2019.
Nakipagpulong si Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol at ang kanyang asawang si Melanie sa mga lider at miyembro sa pagbisita sa Fiji noong 2019.
Tulad ng mga bata saanman, nasisiyahan ang mga bata sa Fiji na maglaro at magsaya.
Bagama’t may ilang malalaking lungsod sa Fiji, marami sa mga tao ang nakatira sa maliliit na bayan.
Sa Fiji tulad sa Simbahan sa buong mundo, nasisiyahan ang mga kabataang lalaki sa kanilang pakikisalamuha sa Aaronic Priesthood.
Nagsalita si Pangulong Russell M. Nelson sa isang debosyonal sa Fiji bilang bahagi ng kanyang paglilibot sa Pasipiko noong 2019.
Nagpaalam sina Sister Wendy Nelson, Pangulong Russell M. Nelson, Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawa, at Sister Susan Gong matapos ang isang debosyonal sa Fiji noong 2019.
Ang mga mayhawak ng priesthood ay nagbabasbas sa isang batang maysakit sa Fiji.
Tulad ng maraming tropikal na isla, kilalang-kilala ang Fiji sa magagandang paglubog ng araw.