2022
Ano ang Hinirang na Gawin ni Jesus?
Oktubre 2022


“Ano ang Hinirang na Gawin ni Jesus?,” Liahona, Okt. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Isaias 58–66

Ano ang Hinirang na Gawin ni Jesus?

Noong mga unang bahagi ng Kanyang ministeryo sa lupa, dumalaw si Jesucristo sa isang sinagoga sa Nazaret. Binasa niya mula sa aklat ni Isaias ang mga talatang kilala natin ngayon bilang Isaias 61:1–2. Pagkatapos ay sinabi niya, “Ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong pandinig” (Lucas 4:21).

Ang unang tatlong talata ng Isaias 61 ay naglalarawan sa misyon at ministeryo ng Tagapagligtas. Isipin kung paano Niya tinupad at tinutupad ang mga ito:

tinuturuan ni Jesus ang isang grupo ng mga tao

“Ipangaral ang mabuting balita sa inaapi” (talata 1). Ang ibig sabihin ng ebanghelyo ay “mabuting balita.”

Mga paglalarawan ni Denis Freitas

tinutulungan ni Jesucristo ang isang tao

“Magpagaling ng mga bagbag na puso” (talata 1). Halimbawa, “inihandog niya ang kanyang sarili na isang hain para sa kasalanan … para sa lahat ng yaong may bagbag na puso at nagsisising espiritu” (2 Nephi 2:7).

nagtuturo si Jesucristo sa daigdig ng mga espiritu

“Magpahayag ng kalayaan sa mga bihag, at buksan ang bilangguan sa mga bilanggo” (talata 1). Maaaring tumutukoy ito sa gawi sa Lumang Tipan na pagpapalaya ng lahat ng alipin kada 50 taon sa taon ng jubileo (tingnan sa Levitico 25) ngunit maaari ring tumutukoy ito sa pangangaral ng ebanghelyo sa daigdig ng mga espiritu upang mapalaya ang mga nasa bilangguan ng mga espiritu (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 138).

inaaliw ni Jesucristo ang isang babae

“Aliwin ang lahat ng tumatangis” (talata 2). Maaari tayong aliwin ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, at maaari rin nating “aliwin yaong mga nangangailangan ng aliw” (Mosias 18:9).

nabuhay na mag-uling Tagapagligtas na nakatayo sa labas ng libingan

“Bigyan sila ng putong na bulaklak sa halip na mga abo” (talata 3). “Matitikman ng bawat isa sa atin ang mapait na abo ng buhay, mula sa kasalanan at pagpapabaya hanggang sa kalungkutan at kabiguan. Ngunit maiaangat tayo ng pagbabayad-sala ni Cristo sa kagandahan mula sa ating mga abo sa mga pakpak ng tiyak na pangako ng kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan.”1

Tala

  1. Bruce C. Hafen, “Beauty for Ashes: The Atonement of Jesus Christ,” Ensign, Abr. 1990, 13.