2022
Pagtanggap ng Kaligtasan mula sa Ating mga Paghihirap sa Pamamagitan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo
Oktubre 2022


Digital Lamang

Pagtanggap ng Kaligtasan mula sa Ating mga Paghihirap sa Pamamagitan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Mapapalaya tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo mula sa anumang pagkaalipin na gumagapos sa atin.

pinagagaling ni Jesus ang isang lalaki

Itinuro ni Nephi, “ang magiliw na awa ng Panginoon ay sumasalahat ng kanyang mga pinili, dahil sa kanilang pananampalataya, upang gawin silang malakas maging sa pagkakaroon ng kapangyarihang maligtas” (1 Nephi 1:20).

Ang pagliligtas na iyan ay magpapalaya sa atin mula sa lahat ng uri ng pagkaalipin. Itinuro ni Elder L. Tom Perry (1922–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol kung paano nakita ang iba’t ibang halimbawa ng pagliligtas sa Aklat ni Mormon:

“Marami sa mga kuwento sa Aklat ni Mormon ang tungkol sa pagliligtas. Ang paglisan ni Lehi patungo sa ilang kasama ang kanyang pamilya ay tungkol sa kaligtasan mula sa pagkawasak ng Jerusalem. Ang kuwento ng mga Jaredita ay kuwento ng kaligtasan, gayon din ang kuwento ng mga Mulekita. Si Nakababatang Alma ay nailigtas mula sa kasalanan. Ang mga kabataang mandirigma ni Helaman ay nakaligtas sa digmaan. Sina Nephi at Lehi ay iniligtas mula sa bilangguan. Ang tema ng pagliligtas ay makikita sa buong Aklat ni Mormon.” Ano ang iba pang mga halimbawa ng pagliligtas sa mga banal na kasulatan ang maiisip ninyo?

Tulad ng mga indibiduwal at lipunan sa Aklat ni Mormon, kailangan nating lahat ang pagliligtas ng Diyos sa ating buhay. Nasa ibaba ang ilang halimbawa na may mga link sa mga karanasan ng iba na nakadama ng makapangyarihang pagliligtas na matatanggap natin sa pamamagitan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Habang binabasa ninyo ang kanilang mga kuwento, isipin ang mga pasaning nagpapahirap sa inyo, at manalangin upang malaman kung ano ang nais ng Ama sa Langit na gawin ninyo sa inyong buhay upang maranasan ang kaligtasang ibinibigay Niya at ni Jesucristo sa atin sa lahat ng bagay.

Kaligtasan mula sa Kawalan at Mahihirap na Panahon

  • Sa kanyang Larawan ng Pananampalataya, ibinahagi ni Rachel Lighthall kung paano nakatulong ang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at ang pagkatutong magdalamhati sa paraang nais ng Diyos na magdalamhati tayo na nakatulong sa kanyang pamilya matapos matupok ang kanilang bahay sa isang sunog.

  • Sa “Imbakan ng Patotoo,” ibinahagi ng isang tao kung paano nakatulong ang maliliit na patotoo tungkol kay Cristo sa paglipas ng panahon matapos malaman ang ginawang kasalanan ng kanilang ama.

  • Sa “Sa Karunungan Niya na Nakakaalam ng Lahat ng Bagay”,” ikinuwento ni Christopher Deaver kung paano nagdala ng kapayapaan sa kanilang magkaibigan ang mga salita ni Cristo nang pumanaw ang kanilang mga ama.

  • Sa “Isang Napakagandang Bagong Kabanata,” ikinuwento ni Sylvie Cornette kung paano siya napalakas ng paglapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa templo nang mabiyuda siya at pagkatapos ay kailangang iwanan ang kanyang trabaho dahil sa aksidenteng nagbigay ng limitasyon sa kanyang pagkilos.

  • Sa “Isang Liham na Hindi Ipinadala ang Nasagot,” ikinuwento ni Elisabeth Allen kung paano sinagot ng Panginoon ang bawat tanong niya nang mahirapan siya dahil sa pagpapakamatay ng kanyang kapatid na lalaki.

  • Sa “Alam ni Jesucristo ang Sakit na Nadarama Natin mula sa Di-matwid na Pagpapalagay,” ibinahagi ni Sónia N. kung paano nakatulong sa kanya ang pagbaling sa Tagapagligtas at sa Kanyang halimbawa para makayanan ang sakit na nadama niya mula sa di-matwid na pagpapalagay sa loob ng ilang dekada.

Kaligtasan mula sa Kasalanan

Kaligtasan mula sa mga Hindi Inaasahang Sitwasyon

Kaligtasan mula sa Depresyon, Kalumbayan, at Kalungkutan

Pagliligtas mula sa Mahigpit na Pagkakahawak ng Mundo

  • Sa “Bakit Tayo Narito?” Ibinahagi ni Gregorio Rivera kung paano ipinahiwatig ng Panginoon sa kanilang mag-asawa na lumipat sa isang bagong lugar para tulungan silang mapagtuunang muli ang mga bagay ng Diyos at mas mapalapit sa Kanya bilang pamilya.

  • Sa “Pakiusap, Bumalik Ka,” ibinahagi ni Carlos Ferreira kung paanong ang pagbalik sa pagiging aktibo sa ebanghelyo ni Jesucristo ang mismong kailangan niya para pagpalain ang kanyang pamilya nang nabibigatan na sila.