2023
Paano Ako Matutulungan ng Espiritu na Maging Mas Mabuting Disipulo?
Hunyo 2023


“Paano Ako Matutulungan ng Espiritu na Maging Mas Mabuting Disipulo?” Liahona, Hunyo 2023. 

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Juan 14–16

Paano Ako Matutulungan ng Espiritu na Maging Mas Mabuting Disipulo?

mga taong binibinyagan

Day of Pentecost [Ang Araw ng Pentecostes], ni Sidney E. King

Sa Juan 14–16, paulit-ulit na sinabi ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol na tatanggapin nila ang Mang-aaliw matapos Siyang pumanaw. Madalas nating isipin na ang Mang-aaliw ay ang nagbibigay sa atin ng kapayapaan kapag tayo ay nahihirapan o natatakot. Ngunit ang kaloob na Espiritu Santo ay mas marami pang nagagawa para sa atin, kabilang na ang pagtulong sa atin na maisakatuparan ang ating layunin bilang mga disipulo ni Jesucristo.

Ang ating layunin? Ang maging katulad ng ating Panginoon

“Ang disipulo ay isang taong nabinyagan at handang taglayin ang pangalan ng Tagapagligtas at sundin Siya. Sinisikap ng isang disipulo na maging katulad Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang mga kautusan sa buhay na ito, tulad ng isang apprentice na nagsisikap na tularan ang kanyang amo” (Robert D. Hales, “Pagiging Disipulo ng Ating Panginoong Jesucristo,” Liahona, Mayo 2017, 46).

Pagkamatay ng Tagapagligtas, ginamit ng Kanyang mga disipulo ang kaloob na Mang-aaliw upang patuloy na maging katulad ng kanilang Panginoon. Sa mga sumusunod na banal na kasulatan, paano sila tinutulungan ng Mang-aaliw?

Mga Gawa 2:1–8

Paano tinutulungan ng Espiritu ang mga disipulo na ipangaral ang ebanghelyo?

Mga Gawa 4:1–3, 7–13

Paano tinulungan ng Espiritu sina Pedro at Juan na tumayo bilang mga saksi ni Cristo?

Mga Gawa 6:8–15

Paano tinulungan ng Espiritu si Esteban na gumawa ng mga himala?

Mga Gawa 8:5, 14–17

Paano tinulungan ng Espiritu sina Felipe, Pedro, at Juan na magmahal at magsakripisyo para sa kanilang kapwa?

Mga Gawa 13:1–4

Paano tinutulungan ng Espiritu ang mga lider ng Simbahan na malaman at kumilos ayon sa kalooban ng Diyos?