2023
Ang Aking Pulot na Pera
Hunyo 2023


“Ang Aking Pera na mula sa Pulot,” Liahona, Hunyo 2023.

Mga Tinig ng mga Banal sa mga Huling Araw

Ang Aking Pulot na Pera

Talaga bang inaasahan ng Panginoon na magbabayad ako ng ikapu sa maliit na perang kinita ko sa pagbebenta ng pulot?

lalaking may ilang bubuyog

Larawang kuha sa kagandahang-loob ng awtor

Para gawing itong libangan, nag-aral ako ng beekeeping. Hindi nagtagal, nagsimulang magtanong sa akin ang mga tao kung maaari silang bumili sa akin ng pulot.

Matapos magbenta ng kaunting pulot, naisip ko ang pagbabayad ng ikapu sa aking “tubo o kita” (Doktrina at mga Tipan 119:4). Gayunman, hindi ko naisip na karagdagan ang perang kinita ko. Mas marami akong nagastos sa pagbili ng beekeeping equipment kaysa sa pagbebenta ng pulot.

Pero naalala ko na ang ikapu ay banal sa Panginoon. Bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, iginagalang natin Siya sa pamamagitan ng pagbabayad ng ikapu. Ang pagbabayad ng ikapu ay pagpapakita ng pananampalataya sa Diyos at sa Kanyang mga pangako.

Tinatanggap ng mga nagbabayad ng ikapu ang pangakong ito mula sa Panginoon: “Sa gayo’y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan” (Malakias 3:10).

Tinanggap ko ang hamon ng Panginoon at nagbayad ako ng ikapu mula sa pinagbentahan ko ng pulot. Sa mga slip para sa ikapu, isinulat ko, “Perang mula sa pulot.”

Hindi nagtagal, isang kaibigan ang pumunta sa bahay namin at nagsabing may kilala siyang isang babae na ang asawang beekeeper ay pumanaw na. Gustong dispatsahin ng babaeng balo ang lahat ng kagamitan sa beekeeping ng kanyang asawa at iniisip na itapon ito. Sa halip, dinala ako roon ng kaibigan ko para kuhanin ang mga kagamitan.

Ang lahat ng kagamitan sa beekeeping na pinakaaasam-asam ko—at marami pang iba—ay naroon, pati na ang lahat ng uri ng kagamitan sa pagkuha ng pulot-pukyutan.

Walang sinumang basta namimigay ng mga kagamitan sa beekeeping. Pero sa loob ng isang linggo matapos kong piliing magbayad ng ikapu, binuksan ng Ama sa Langit ang mga dungawan sa langit at ginantimpalaan ako. Naniniwala ako na wala akong kinalaman dito. May patotoo ako na kilala ako ng Ama sa Langit at ang aking mga hangarin. Talagang lumago ang aking patotoo tungkol sa kahalagahan ng pagbabayad ng ikapu.