“Mas Malalalim na Kaugnayan kay Cristo,” Liahona, Hun. 2023.
Para sa mga Magulang
Mas Malalalim na Kaugnayan kay Cristo
Mimamahal na mga Magulang,
Ang isyu sa buwang ito ay nagtatampok ng mga artikulo na nagtuturo sa atin kung paano natin mapapalalim ang ating mga kaugnayan kay Jesucristo. Bilang pamilya, maaari ninyong rebyuhin ang papel na ginagampanan ng Espiritu Santo sa pag-akay sa atin tungo sa ating Tagapagligtas, sa nagpapabanal na kapangyarihan ni Jesucristo kapag tumatanggap tayo ng sakramento, at sa banal na awa na matatamo sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas.
Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo
Isang Koneksyon sa Tipan
Ibahagi sa inyong pamilya ang ilang aral o turo mula sa artikulo ni Elder David A. Bednar sa pahina 4. Kausapin ang inyong pamilya tungkol sa mga tipang ginawa o gagawin ng bawat isa. Ano ang papel na ginagampanan ng Espiritu Santo sa pagtulong sa atin na tuparin ang ating mga tipan at alalahanin si Jesucristo?
Mga Tungkulin ng Espiritu Santo
Gamit ang artikulo tungkol sa Mga Pangunahing Alituntunin ng Ebanghelyo sa pahina 22, kausapin ang inyong pamilya kung sino ang Espiritu Santo at kung ano ang mga ginagampanan Niyang papel sa plano ng Ama sa Langit. Magbahagi ng mga karanasan kung saan nadama ninyo ang Espiritu Santo o sinunod ang Kanyang mga pahiwatig.
Banal na Awa
Sa pahina 40, nagbigay si Pangulong Susan H. Porter ng mga ideya tungkol sa pagpapagaling ni Jesus sa tainga ng isang lalaking ipinadala upang dakpin Siya. Basahin ang artikulo at pagkatapos ay talakayin sa inyong pamilya ang papel na ginagampanan ng awa kapwa para sa lalaki at kay Pedro, na pumutol sa tainga. May mga pagkakataon ba na kailangan ninyo ng isa o dalawang uri ng awa na ito?
Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Palakasin ang Iba
Ibinigay ni Jesucristo kay Pedro ang payong ito tungkol sa pagbabalik-loob: “Kung makabalik ka nang muli, ay palakasin mo ang iyong mga kapatid” (Lucas22:32).
-
Basahin ninyo ng inyong pamilya ang Lucas 22:32 .
-
Anyayahan ang mga kapamilya mo na umupo sa sahig.
-
Sabihin sa kanila na subukang tumayo nang hindi ginagamit ang kanilang mga kamay para magbalanse.
-
Pumili ng dalawang kapamilya na uupo sa sahig na magkatalikod at magkakapit-bisig.
-
Sabihin sa mga kapamilya na itulak ang isa’t isa nang sabay at tumayo. Sa pagtutulungan, nagiging mas madali ang pagtayo.
-
Ulitin ang laro hanggang sa ang lahat ay nagkaroon na ng pagkakataong magtulungan.
Talakayan: Kapag tunay na tayong nagbalik-loob sa ebanghelyo ni Jesucristo, mapatitibay natin ang iba. Sa anong mga paraan tayo mapalalakas ng Ama sa Langit? Paano natin magagamit ang ating pagbabalik-loob para mapalakas ang iba?