Liahona
Ngayon ang Araw para Ibahagi ang Ebanghelyo ng Tagapagligtas
Hulyo 2024


“Ngayon ang Araw para Ibahagi ang Ebanghelyo ng Tagapagligtas,” Liahona, Hulyo 2024.

Welcome sa Isyung Ito

Ngayon ang Araw para Ibahagi ang Ebanghelyo ng Tagapagligtas

Ipinahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, “Sa buong kasaysayan ng mundo, ngayon mas mahalaga at mas kailangan sa personal na buhay ng bawat tao ang kaalaman tungkol sa ating Tagapagligtas” (“Dalisay na Katotohanan, Dalisay na Doktrina, at Dalisay na Paghahayag,” Liahona, Nob. 2021, 6). Kaya nga tinatanggap natin ang paanyaya at utos ng Tagapagligtas na ibahagi ang Kanyang ebanghelyo (tingnan sa Mateo 28:19).

Ito ay isang mahalagang gawain na lahat tayo ay maaaring makibahagi. Sa isyung ito, itinuro ni Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol na “ang mga pagkakataon ay nasa lahat ng dako para matulungan ang iba na lumapit kay Cristo sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating pagmamahal, pagbabahagi ng ating mga paniniwala, at pag-anyaya sa kanila na sumama sa atin upang maranasan ang kagalakan ng ebanghelyo ni Jesucristo” (pahina 4).

Nagpapasalamat kami sa bawat kabataang lalaki at babae na naglilingkod sa isang teaching o service mission, pero tulad ng isinaad ko sa aking artikulo sa isyung ito, “Kailangan natin ng maraming marami pa sa unahan—isang hukbo ng mga missionary at mga miyembro.”

Ibinahagi ko rin na “ngayon ang araw para ipakita ang ating pagkatao at tapang at ibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo” (pahina 40). Habang pinag-aaralan ninyo ang mga pagsisikap sa misyon nina Ammon, Abis, at ng iba pa sa Aklat ni Mormon ngayong buwan, inaanyayahan ko kayong pagnilayan kung paano ninyo maibabahagi ang kagalakang hatid ng ebanghelyo ng Tagapagligtas sa mga nasa paligid ninyo.

Elder Eduardo Gavarret

Ng Pitumpu

lalaki at mga missionary na nagdarasal sa isang chapel

“Huwag magsabi ng anuman kundi pagsisisi sa salinlahing ito. Sundin ang aking mga kautusan, at tumulong na itatag ang aking gawain, alinsunod sa aking mga kautusan, at ikaw ay pagpapalain.”

Larawang kuha ni Matthew Reier