Liahona
Ano ang Tatalikuran Ninyo para Makilala ang Diyos?
Hulyo 2024


“Ano ang Tatalikuran Ninyo para Makilala ang Diyos?,” Liahona, Hulyo 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Alma 22

Ano ang Tatalikuran Ninyo para Makilala ang Diyos?

lalaking naglalakad sa dalampasigan

Ang pamumuhay ng ebanghelyo ay kadalasang nangangailangan ng sakripisyo. Hinihiling sa atin ng Ama sa Langit na talikuran ang ating likas na ugali upang tumanggap ng isang bagay na higit pa rito: isang kaalaman tungkol sa Diyos at sa walang-katulad na mga pagpapalang inaalok Niya.

Ipinamalas ng ama ni Haring Lamoni ang kahandaang ito na magsakripisyo nang manalangin siya, “Kung may Diyos, at kung kayo ay Diyos, maaari po bang ipakilala ninyo ang inyong sarili sa akin, at tatalikuran ko ang lahat ng aking mga kasalanan upang makilala kayo, at upang magbangon po ako mula sa mga patay, at maligtas sa huling araw” (Alma 22:18; idinagdag ang diin).

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson na ang madaig ang mundo at mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo ay may kasamang “pagpiling umiwas sa anumang bagay na nagtataboy sa Espiritu” at “pagiging handang ‘talikuran’ maging ang ating mga paboritong kasalanan.”

Mga Pagpapala

Bukod pa sa mga pagpapalang hinangad ng ama ni Haring Lamoni, tulad ng pagkabuhay na mag-uli at kaligtasan, naglista si Pangulong Nelson ng iba pang mga pagpapalang nagmumula sa ating mga pagsisikap na maging higit na katulad ni Jesucristo at manatili sa landas ng tipan. Kabilang dito ang:

  • Pagbabago ng puso at likas na pagkatao

  • Pag-ibig sa Kapwa

  • Pagpapakumbaba

  • Pagiging bukas-palad

  • Kabaitan

  • Disiplina sa sarili

  • Kapayapaan

  • Tiwala

  • Kagalakan

  • Kapahingahan

  • Espirituwal na lakas

  • Personal na paghahayag

  • Lumalakas na pananampalataya

  • Paglilingkod ng mga anghel

  • Mga himala

Kung nahihirapan kayong talikuran ang ilang kasalanan, huwag sumuko. Ipinapaalala sa atin ni Pangulong Nelson na “ang pagdaig sa mundo ay tiyak na hindi nangangahulugang magiging perpekto [tayo] sa buhay na ito, ni [hindi ito] nangangahulugang bigla na lang maglalaho ang inyong mga problema—dahil hindi mangyayari iyon. At hindi ito nangangahulugan [na] hindi na kayo magkakamali pa. Kundi ang pagdaig sa mundo ay nangangahulugan [na] lalo ninyong mapaglalabanan ang kasalanan.”

Kapag sinikap nating talikuran ang ating mga kasalanan tulad ng ama ni Haring Lamoni, makikita natin na ang makilala ang Diyos ay palaging sulit na pagsakripisyuhan. Sa paggawa nito, bawat isa sa ating buhay ay magiging mas maganda kaysa sa kaya nating gawin nang mag-isa.