“Nairobi, Kenya” Liahona, Hulyo 2024.
Narito ang Simbahan
Nairobi, Kenya
Ang unang dalawang taong sumapi sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Kenya ay nabinyagan at nakumpirma noong 1979. Nang sumunod na taon, dumating ang unang dalawang missionary, isang senior couple, sa Kenya. Pagsapit ng 1981 dalawang branch ang binuo, sa Nairobi at sa Kiboko. Ngayon, ang Simbahan sa Kenya ay may:
-
17,430 miyembro (humigit-kumulang)
-
2 stake, 57 ward at branch, 1 mission
-
1 templong ibinalitang itatayo (Nairobi)
Pagkasumpong ng Kagalakan sa Panginoon
Bilang bagong miyembro ng Simbahan, nakasumpong ng kagalakan sa ebanghelyo si Gladys Ondwari kahit nahaharap siya sa mga pagsubok: “Napakasaya ko! Nabuksan ng Panginoon ang aking mga mata sa tamang panahon. Alam ko na si Jesucristo ang aking kanlungan kapag mahirap ang mga bagay-bagay.”
Iba pa tungkol sa Simbahan sa Kenya
-
Isang binatilyo mula sa Kenya ang nasa misyon sa hilagang-kanluran ng Estados Unidos, kung saan nagagawa niyang tumulong sa mga African refugee.
-
Isang maikling profile at patotoo mula sa isang dalagitang nakatira sa Kenya.
-
Isang binatilyong nakatira sa Kenya ang nagbahagi kung paano siya napalakas ni Cristo na magawa ang mahihirap na bagay.
-
Habang ipinamumuhay nila ang ebanghelyo, ang mga miyembro sa Kenya ay lumilikha ng mga kanlungan laban sa mga pasanin ng mundo.
-
Isang propesor sa kasaysayan ng Simbahan ang muling nagkuwento tungkol sa paglago ng Simbahan sa Chyulu, Kenya.