Mga Action Partner
-
Basahin:Sa tulong ng iba, maisasakatuparan mo ang mga dakilang bagay. Halimbawa, may kompanyon ang mga missionary para sumuporta. Sa ating mga grupo, mayroon tayong “mga action partner.” Linggu-linggo pipiliin at makakatulong natin ang isang action partner. Ang mga action partner ay tinutulungan ang isa’t isa na tuparin ang mga pangako sa pamamagitan ng:
-
Pagtawag, pagte-text, o pagbisita sa isa’t isa anumang araw ng linggo.
-
Pag-uusap tungkol sa natutuhan natin sa grupo.
-
Paghihikayat sa isa’t isa na tuparin ang mga pangako.
-
Pagsasanggunian tungkol sa mga hamon.
-
Pagdarasal para sa isa’t isa.
-
-
Talakayin:Paano ka natulungan ng isang tao na maisakatuparan ang isang bagay na mahirap?
-
Basahin:Hindi mahirap o matagal ang maging action partner. Para masimulan ang pag-uusap, maaari mong itanong:
-
Ano ang nagustuhan mo sa huling miting ng grupo natin?
-
Anong magagandang bagay ang nangyari sa iyo sa linggong ito?
-
Paano mo nagamit ang alituntunin sa My Foundation [Ang Aking Saligan] sa linggong ito?
Ang pinakamahalagang bahagi ng talakayan ay ang pagtulong sa isa’t isa na tuparin ang mga pangako. Maaari mong itanong:
-
Nagagawa mo ba ang mga pangako mo?
-
Kung hindi mo pa natutupad ang ilan sa mga ito, kailangan mo ba ng tulong?
-
Paano ko masusuportahan nang husto ang mga pagsisikap mo?
-